Chloe nagpakatotoo lang habang binabarag: Because that’s who I am!

Chloe nagpakatotoo lang habang bina-bash: Because that's who I am

Chloe San Jose at Carlos Yulo

“AUTHENTIC!” Ganyan inilarawan ng content creator na si Chloe San Jose ang kanyang sarili sa gitna ng mga kanegahang ibinabato sa kanya ng mga bashers.

Aminado ang kontrobersyal na girlfriend ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na mahirap din ang kanyang pinagdaraanan, lalo na ngayong patuloy siyang nakakatanggap ng mga hate comments sa social media.

Pero nagpapasalamat pa rin ang dalaga dahil marami pa rin ang taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya na nagsasabing huwag nilang bibitiwan ni Carlos ang isa’t isa kahit na binabanatan sila ng haters.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ayaw nang pag-usapan ang isyu sa ina, grateful sa suporta ni Chloe

Hanggang ngayon kasi ay si Chloe pa rin ang sinisisi ng mga netizens kung bakit nasira ang pamilya ni Carlos. Lumalabas kasing hindi boto sa kanya ang mga magulang ng Pinoy champ.


Feeling din ng ilang netizens ay mas kinampihan ni Caloy ang kanyang dyowa kesa sa kanyang sariling pamilya. Kitang-kita naman daw na mas malakas ang impluwensiya ni Chloe kay Carlos kesa sa mga magulang niya.

Sa interview ni Luis Manzano kay Chloe para sa YouTube channel niyang “Luis Listens” ay natanong siya kung ano’ng feeling na palagi siyang pinag-uusapan sa social media maging sa mga entertainment sites.

“Parang ang hirap po pala na ano rin kayo, parang naka-cut in the middle kung…do I stay authentic or do I please the people na nagsasabi ng ano…” simulang pahayag ni Chloe.

“So, ang hirap po pala but of course, I stayed true to myself and stayed authentic because that’s who I am ,” sabi pa ng dalaga.

Hangga’t maaari raw ay hindi na niya iniintindi ang pamba-bash sa kanya dahil alam niyang maaapektuhan lamang siya. Mas gusto raw niyang basahin ang mga magagandang comments na nababasa niya.

Ilan daw sa magagandang message na nababasa niya online ay nagsasabing nai-inspire sila sa tapang at pagpapakatotoo niya sa kanyang sarili at sa ibang tao.

“Like, ‘Thank you Ate for being an inspiration na maging strong and maging totoo sa sarili and really fighting for what you want po.

“And that really touches me po. Kasi nalaman ko na may nai-inspire pala ako na ipaglaban ang sarili nila,” pahayag ni Chloe.

Samantala, kung may gustong i-pursue si Chloe sa entertainment industry yan ay ang kanyang pagiging singer and performer.


Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang naging guesting niya kamakailan sa “ASAP Natin ‘To” ng ABS-CBN.

“I want po sana maging singer pa siguro or bigger singer, bigger performer,” sey ng dalaga na ultimate dream na makasama on stage ang kanyang idol na si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

“Iyon po kasi ‘yung pinepyesa ko when I was younger sa karaoke. ‘Yung ‘Dadalhin,’ ‘Araw-Gabi,’ mga ganoon po,” pag-alala pa ng GF ni Caloy.

Read more...