Chito sa pamilya: I will do everything in my power to keep them safe!

Chito sa pamilya: I will do everything in my power to keep them safe!

GAGAWIN lahat ng OPM icon na si Chito Miranda para maprotektahan at mapaligaya ang kanyang asawang si Neri Miranda at ang kanilang mga anak.

Super flex ang frontman ng Parokya ni Edgar sa social media kung gaano niya kamahal ang pamilya niya at patuloy daw siyang magsasakripisyo para sa mga ito.

Kalakip ang kanilang family photo, ipinost ni Chito ang madamdaming mensahe niya para sa pinakamamahal na wifey at sa mga anak.

“This is my family.

Baka Bet Mo: Chito nai-stress pag ‘di kasama pamilya sa abroad: Nagiging miserable ako

 

“I will do everything in my power to keep them safe, healthy, and happy,” ang promise ng award-winning singer-songwriter.

Pagpapatuloy niya, “Araw-araw ko ipaparamdam sa kanila kung gaano ko sila kamahal, at kung gaano sila kamahal ni Lord, by always being (or at least ‘by constantly trying to be’) a blessing sa buhay nila (and never a curse).

“I will always be strong for them, and will always protect them, but train them to be strong on their own as well, and I will always be there for them, without judgement, whenever they need me,” pahayag pa ng OPM legend.

May pa-shoutout din siya para sa kanyang wais na misis na si Neri, “To Neri, please know that your husband loves you very very much, and that I will always be here for you no matter what, hanggang sa pagtanda.”

Ito naman ang message niya para sa mga anak, “Kids, know that your Dad will always love, support, and take care of you, with all my heart and strength, and that I will take care of myself, and my health, para maalagaan ko kayo ng todo hanggang sa pinaka sagad na makakaya ko.

“I will always make sure that you guys know, without a doubt, that each of you are loved unconditionally,” ang pahabol na mensahe ni Chito.

Narito ang ilang reaksyon ng IG followers sa post ni Chito.

Komento ni Gary Valenciano, “Beautiful family it is Chito. God bless you more!!!! Nakakamiss ka ah!!!!”

“Awww ang sweet nmn ni tsong/ coach @chitomirandajr bsta family ang usapan palaging nkaka senti moment. I know gnun din sila sayo.”

“Kuya ingat lang po baka biglang lumabas si big foot / nice family pic.”

“Sana lahat ng ama kagaya mo. Napakaswerte ni neri dahil pinararamdam mo sa.kanya kung gaano mo cia kamahal at pinahahalagahan, godblessed your family.”

Read more...