Nanay ni Gerald humirit ng apo para sa kanyang 66th b-day?!

Nanay ni Gerald humirit ng apo para sa kanyang 66th b-day?!

Gerald Anderson, Evangeline Opsima at Julia Barretto

ATAT na atat na nga bang magkaapo ang nanay ni Gerald Anderson kaya ito raw ang nabitiwang wish para sa kanyang 66th birthday?

Present ang girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto sa birthday celebration ng nanay ng aktor na si Evangeline Opsima na ginanap sa General Santos City kamakailan.

Mismong ang hunk actor ang nag-upload sa kanyang Instagram account ng mga litrato na kuha sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang nanay.

Baka Bet Mo: Kris tinawag na ‘world’s best ate’ si Ballsy: Siya yung parati kong kakampi

Ang maikling caption na inilagay ni Gerald sa mga ibinahagi niyang photos ay, “Happy birthday Ma.”


May napanood din kaming video sa social media kung saan nagbibigay ng mensahe si Gerald para sa kanyang nanay.

Pahayag ng boyfriend ni Julia, “Happy Birthday. We wish you the best, Ma.

“Thank you sa all the years na pag-aalaga sa amin. Salamat dahil inalagaan mo kami.

Baka Bet Mo: Julia payag maging bida o kontrabida sa Probinsyano; super proud kay Coco

“Alam namin na ibibigay mo ang lahat para sa amin at ibibigay din namin ang lahat para sa iyo,” bahagi ng speech ni Gerald.

Dagdag pa ng Kapamilya star, “Lahat ng gusto mo ibibigay namin. Pero kapag hindi naman namin kaya, huwag ka na magtampo.”

Sabi naman ni Mrs.Evangeline, wala siyang hihilingin sa kanyang mga anak na hindi nila kayang ibigay.

“Hindi naman nanghihingi si Mama na hindi niyo kaya, e. I’m having a little bit. So I’m asking you, give me a…” ang sabi ng nanay ng aktor na hindi na binanggit ang nais sabihin nang mapansing nakatitig na sa kanya ang anak.

Nagtawanan naman sina Gerald at Julia pati na ang mga bisita sa party sa punchline ni Gng. Evangeline na ang tinutukoy nga raw ay ang pagkakaroon ng apo.


Matatandaang sa panayam kay Gerald ni Karen Davila last June, 2024, sinabi nitong napag-uusapan na naman talaga nila ni Julia ang tungkol sa kasal at pagbuo ng sariling pamilya.

Sey ni Karen, dapat daw ay meron nang  katuwang sa buhay ang aktor. Reaksyon ni Gerald, “Actually, malapit na. Kailangan kasi siya yung mag-ano sa household, siya yung magbabantay. Siyempre, 35 na po ako. e.”

Sundot na tanong ni Karen, “But you are ready? Is that fair? Are you ready for marriage?”

Tugon ni Gerald, “Yeah, of course. I’m closer to that. Kasi kung five, three years ago, tanong niyo sa akin yan, ‘Hindi, hindi.’ But siyempre, that’s why I’m doing all of this. Kasi gusto ko maalagaan yung mga anak ko. Na wala silang iisipin.

“But hindi sila puwede maging spoiled. Kasi hindi madali ang buhay.So, yun. Everything I do in life is leading up to yung aspeto na yan,” aniya pa.

Read more...