Sylvia tatakbo raw sa kongreso sa 2025, sey ni Arjo: Not true po!

Sylvia tatakbo raw sa kongreso sa 2025, sey ni Arjo: Not true po!

Art Atayde, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde at Maine Mendoza

TOTOO nga bang tatakbo sa kongreso ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa 2025 para palitan ang anak na si Arjo Atayde?

Isa iyan sa mga isyung nilinaw ni Cong. Arjo sa naganap na pa-thanksgiving niya at early Christmas party na rin para sa mga members ng entertainment media at mga vloggers.

Mariing pinabulaanan ni Arjo na ang  tatakbo sa 2025 midterm elections ay ang kanyang inang si Sylvia dahil daw magko-concentrate na muna siya sa pag-aartista.

“It’s not true that my mom is running for the Congress sa (2025),” ang ipinagdiinan ng premyadong aktor at public servant.

Baka Bet Mo: Neil Arce bumanat sa mga nagsabing tatakbo si Angel sa 2022 kaya laging tumutulong

Ipagpapatuloy pa rin daw niya ang kanyang termino next year kung papalarin muli sa darating na eleksyon. Aniya, napakarami pa niyang hindi nagagawa para sa 1st District ng Quezon City.


Samantala, nagpapasalamat din si Arjo na pareho niyang nagagampanan ang kanyang mga tungkulin at obligasyon bilang kongresista at artista.

Sa kabila ng pagiging busy sa pag-aasikaso sa kanyang constituents ay nakakagawa pa rin siya ng mga de-kalidad na proyekto bilang aktor at nabibigyan pa ng award.

Kamakailan lamang ay nakatanggap uli siya ng international award bilang Best Lead Actor sa ContentAsia Awards 2024 para sa performance niya sa crime-thriller series na “Cattleya Killer.”

Baka Bet Mo: Luis handa nang sumabak sa politika, suportado ng mga madre’t pari

“Marami naman din pong sumabak and luckily, we were given the opportunity to represent in the Best Actor category,” sabi ni Arjo na personal na natanggap ang kanyang tropeo sa naganap ba awards ceremony sa Taipei, Taiwan last September 5

“I guess none of us was expecting anything. To be nominated is already such a privilege. The recognition itself would be a bonus, like we always say. It’s not being humble but it’s really trying to push Filipino content, trying to push Filipino connections,” aniya.

Nauna nang kinilala ang aktor sa international scene matapos magwaging Best Actor in a Leading Role sa 2020 Asian Academy Creative Awards para naman sa “Bagman.”


“Hindi naman po sa sanay (nang makatanggap ng award). I don’t think anyone will get used to this. Again, I don’t work for awards. I never did. Still the same things, still the same guy. Just really enjoying what I do. I’m learning especially with the last projects na ginawa ko po,” saad pa ni Arjo.

Malapit nang mapanood ang mga upcoming acting projects ni Arjo, kabilang na ang “The Bagman” series kasama sina John Arcilla at Judy Ann Santos, at ang pelikulang “Moonglow” mula sa direksyon ni Isabel Sandoval.

Pahabol ni Arjo, ang tagumpay niya ay tagumpay din ng ABS-CBN, “Being with ABS-CBN International, they’ve always targeted going international, and not for selfish reasons, but always to give, maybe, a door of opportunity to open to us, Filipinos to be back on top again.”

Read more...