Robin niyakap nang mahigpit ni BB, na-surprise sa 57th b-day party

Robin niyakap nang mahigpit ni BB, na-surprise sa 57th b-day party

BB Gandanghari, Robin Padilla at Mariel Rodriguez kasama ang mga kapamilya at kaibigan

TODO pasalamat si BB Gandanghari sa ibinigay sa sorpresa ng mag-asawang Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez para sa kanyang 57th birthday.

Bukod sa kanyang kaarawan (September 4), nagsilbi ring reunion ng pamilya Padilla ang muling pagbabalik sa Pilipinas ni BB Gandanghari makalipas ang mahaba-habang panahon.

Sa Amerika na naninirahan ngayon ang dating aktor (bilang Rustom Padilla) at umuuwi lamang siya sa Pilipinas kapag may mga espesyal na okasyon.

Ang wifey ni Robin na si Mariel ang nag-post ng mga litrato at video na kuha sa naganap na birthday celebration ni BB at reunion ng Padilla clan kung saan nakasama rin nila ang ilang malalapit na kaibigan mula sa showbiz.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako

Sabi ni Mariel sa caption ng mga photos mula sa inihandang pag-welcome ng pamilya ni BB sa Pilipinas, “Happiest birthday @gandangharibb. welcome home!!!”

Nag-reply sa comments section ng post ni Mariel si BB, “Super thank you my dearest @marieltpadilla for not only hosting my grandest party ever you also took the time to invite people who are dear to me, My heart is full. You are the best among the rest… haha. Love you.”


Nagpasalamat din si BB sa lahat ng nakasama niya sa party sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

“Sa lahat ng bumati… maraming salamat sa Inyo. I feel your joy for me. Happy na, Birthday pa‼️ Super grateful @robinhoodpadilla and @marieltpadilla #FamilyTies #ToMamaWithLove #FamilyTime #Bonding,” aniya.

Dagdag pa niyang mensahe, “A moment of love, joy and peace amongst family and friends.”

Baka Bet Mo: BB Gandanghari ganap nang US citizen, sey ni Ogie Diaz: Congratulations!

Sa isa pang post ni Mariel sa IG ay makikita naman ang litrato ng pagyakap ni BB sa kapatid niyang si Sen. Robin. Super thankful daw siya sa sorpresang inihanda ng senador.

“Thank you @robinhoodpadilla for taking this video and for coming up with this surprise. Very happy to see the SRP (Senator Robin Padilla) boys. Thanks for coming guysLove you utol You are the Best,” sabi ni BB.

Base sa mga litratong nakita namin, ang ilang celebrities na dumalo sa party ni BB ay sina Jay Manalo, Joko Diaz, Ramon Christopher, Emilio Garcia, Tirso Cruz III, Pops Fernandez, Marjorie Barretto, Nadia Montenegro, at marami pang iba.

Read more...