Kilalang loveteam rest muna, hindi nakatulong sa brand na inendorso

Kilalang loveteam rest muna, hindi nakatulong sa brand na inendorso

Guess, guess, who!?

TILA pinagpapahinga muna ng management company ang dalawa nilang artista na magka-loveteam para ma-miss daw sila ng fans.

Sumobra kasi ang exposure ng magka-loveteam nitong mga nagdaang taon na kaliwa’t kanan ang proyekto mula sa pelikula, TV series at product endorsements.

Ganu’n naman talaga kapag maraming projects at laging napapanood, ito naman ang dahilan para kunin silang product endorsers kasi sikat sila.

At dahil hindi ganu’n kalakas ang resulta ng huling pelikula ng magka-loveteam ay pahinga raw muna sila, binilinang unahin  ang kanilang mga duties sa pamilya nila.

Baka Bet Mo: Baguhang aktres todo kayod para sa pangarap, nakiusap na mapasama sa pelikula ng sikat na loveteam

Ang multi-million peso talent fee ng magka-loveteam mula sa kilalang produkto ay hindi na ni-renew dahil hindi naman daw sila nakatulong sa kumpanya.

At higit sa lahat, hindi rin nabawi ng brand ang ibinayad na malaking talent fee sa magka-loveteam.

Ang magka-loveteam ay isa sa prime artists ng kanilang management company.

Read more...