Wax figure ni Lea Salonga sa Madame Tussauds ibinandera na: ‘She’s here!’

Wax figure ni Lea Salonga sa Madame Tussauds ibinandera na: ‘She’s here!’

PHOTO: Instagram/@msleasalonga

TUWANG-TUWA ang Broadway superstar na si Lea Salonga nang makita ang kanyang wax figure na ipapadala sa Madame Tussauds Singapore.

Ang unveiling event ay unang ibinandera ng designer at longtime friend ni Lea na si Rajo Laurel sa kanyang Instagram Stories noong Biyernes, September 13.

Mapapanood sa serye ng posts na nangyari ang nasabing event sa Parañaque bago ito ipadala sa Singapore.

Ang bonggang wax figure ni Lea ay nakasuot ng royal blue gown at may hawak na microphone na nakalagay sa mic stand.

Grabe, talagang hindi mo makita ang pagkakaiba ng wax figure at ng aktwal na itsura ng theater icon dahil talagang magkamukang-magkamukha sila!

Makikita rin sa posts ni Rajo na present sa event ang ina ng multi-awarded singer na si Ligaya.

Baka Bet Mo: Anne pasok sa Madame Tussauds, lumebel kina Nicole Kidman at Angelina Jolie

PHOTO: Instagram Stories/@rajolaurel

At siyempre, proud na proud din itong ibinandera ni Lea sa kanyang Instagram account.

“She’s here!!! My wax likeness is complete and has been officially unveiled! Thanks to our friends @solaireresort for the perfect launch venue!” caption niya, kalakip ang ilang pictures kasama ang wax figure.

Wika pa niya, “My twin will be ready to welcome visitors to Madame Tussaud’s Singapore starting September 20!”

Kung matatandaan noong Hunyo nang ibinunyag ni Lea na magkakaroon siya ng wax figure at sinabing isa itong karangalan at pribilehiyo para sa kanya.

Ang broadway star ang pang-apat na Pinoy na nagkaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Singapore.

Ang mga nauna sa kanya ay sina Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach, boxing champion na si Manny Pacquiao at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Very soon ay mayroon na rin ang TV host-actress na si Anne Curtis na ibabandera na sa darating na Disyembre.

Read more...