LABIS ang kasiyahang nararamdaman ng actor-comedian na si Dennis Padilla nang muling makasama ang mga anak na sina Gavin at Maddie.
Sina Gavin at Maddie ay mga anak ng aktor kay Linda Marie Gorton na kasalukuyang naninirahan sa Australia.
Sa kanyang mga Instagram post ay ibinahagi ni Dennis ang mga larawan kasama ang mga anak na matagal niyang hindi nakita.
“After [four] long years, [nayakap] ko muli ang aking mga anak,” he said in the caption. “Love you both Gavin [and] Maddie. Saying goodbye was the hardest,” saad ng aktor sa caption ng kanyang post.
Baka Bet Mo: Dennis Padilla nasa ‘healing process’ na with Julia, Claudia, Leon pero…
Sa hiwalay na post ay ibinahagi ni Dennis ang sulat na ginawa ni Gavin para sa kanya.
“Happy Father’s Day, Papa. I just want you to know that I love you and I missed you so much, and I am so happy to see you after [four] long years of not being with you,” mababasa sa naturang letter ng kanyang anak.
Hindi nga maiwasan ni Dennis na maging sentimental sa isinulat ng anak.
“This letter really broke my heart. Tears overflowing. Love you so much, anak,” sey ng aktor.
Sa hiwalay ring post ay nagbigay ng mensahe si Dennis para sa anak na lalaki.
“My dearest Gavin Simeon, you grew so fast. The way you talk, move and think.
“Love you, my son. Umagos ang aking mga luha nang mayakap kita muli. Apat na taon. Salamat sa Diyos,” ani Dennis.
May mensahe rin siya para sa anak na si Maddie.
“Tagos sa aking puso na muli kang mayakap. After [four] long years. God bless you more, anak.”
Matatandaang noong April 2024 lang nang magsalita ang kanyang dating partner na si Linda tungkol sa co-parenting set up nila ni Dennis.
“We don’t have a co-parenting setup because since we parted ways in July of 2020, we never had a formal conversation about our separation and how we will raise our kids. Basta nakakausap niya lang ang mga bata,” she said at the time.
“Consistency in child support wasn’t always the case. Through the years, there were many lapses in between. And many times I had to, and still have to persistently ask for it kasi kung papabayaan ko matagal at kulang-kulang ang padala,” lahad ni Linda sa sitwasyon nila ni Dennis.