MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang matatanggap na award bilang “Ulirang Ina” ni Angelica Yulo.
Ang naturang “Ulirang Ina” o Inspiring Motherhood Legacy Award ay ipagkakaloob sa kanya ng 7th Southeast Asian Achievement Awards.
Sa kanilang Facebook page ay isa-isa nitong ibinandera sa mga taong tatanggap ng award at kasali nga rito ang mag-inang sina Angelica at Eldrew Yulo.
Base sa post, ang award ay bilang pagkilala sa kanyang pagiging butihing ina sa mga anak.
Baka Bet Mo: Angelica Yulo pwede raw maging beauty queen, pinapasali sa Mrs. Philippines?
“This prestigious recognition highlights Angelica’s remarkable journey as a compassionate, selfless, and devoted mother, embodying the true essence of Ulirang Ina.
“Her unwavering love, strength, and dedication to her family have made her an inspiration to mothers everywhere,” saad sa naturang post.
Pinuri rin ng nagurang organisasyon ang commitment ni Angelica sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.
At ang istorya daw ng ginang ay nagsilbing inspirasyon sa mga kapwa nanay.
“Angelica, your commitment to nurturing your children with wisdom and care, while balancing the challenges of motherhood, is a shining example of what it means to be a modern-day heroine. You have created a lasting legacy, not only for your family but for the countless lives you have touched with your kindness and heart.
“Your story serves as a beacon of hope and inspiration to many. We celebrate your achievements and your beautiful spirit of motherhood, which continues to uplift and empower those around you,” sey pa sa naturang post.
Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksyon si Angelica tungkol s parangal na matatanggap.