Jelai Andres proud sa mga aspin: Mas pogi pa sa ex n’yo!

Jelai Andres proud sa mga aspin: Mas pogi pa sa ex nyo!

PROUD na ibinandera ng vlogger at komedyanang si Jelai Andres ang kanyang labis na pagmamahal sa mga hayop lalo na sa mga aspin.

Sa kanyang recent Instagram post ay ibinahagi niya ang mga larawan kung saan kasama niya ang alagang aspin na si Popoy.

“They are never just an aspin. Pinakagwapong aso siyempre ‘yung anak ko ‘yun si @popoythepogi,” saad ni Jelai sa caption ng kanyang post.

Pabirong pagpapatuloy pa niya, “Mas pogi pa sa mga ex n’yo! [laugh emoji].”

Baka Bet Mo: Buboy Villar nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Jelai Andres; napaiyak nang mapag-usapan ang 2 anak

Ang post ni Jelai at may kaugnayan sa viral na dog discrimination ng isang restaurant sa Tagaytay na hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media.

Ito ay nagsimula nang mag-post ang dog owner na si Lara Antonio sa naging karanasan nila nang hindi sila papasukin sa naturang restaurant dahil kasama nito ang alagang aspin na si Yoda sa kabila ng claim nito na pet friendly ang kanilang restaurant.

Makikita rin sa post ni Jelai ang pag-agree ng Kapuso star na si Carla Abellana.

“Louder!” comment ni Carla.

Bago pa man ang naging post ni Jelai ay nauna nang magpakita ng suporta ang isa ring Kapuso actress-socialite na si Heart Evangelista kung saan inimbitahan ng mga ito sina Lara at Yoda para sa isang tea party.

Read more...