Dominic Roque sa mga nagbibigay malisya sa kanila ni Kathryn: Delulu!

Dominic Roque sa mga nagbibigay malisya sa kanila ni Kathryn: Delulu!

HINDI napigilan ng aktor at endorser na si Dominic Roque ang sagutin ang komento ng isang netizen na may kaugnayan sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Nagbahagi kasi ang binata ng mga larawan sa Instagram na kuha noong nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan noong July 2024.

“Snaps from mah phone… [emoji] #Hulyo,” saad ni Dominic sa kanyang caption.

Makikita sa mga larawan na kasama niya sa mga naging selebrasyon ang mga dating miyembro ng Nguya Squad na sina Patrick Sugui, Aeriel Garcia, at Marco Gumabao kasama ang dyoewa nitong si Cristine Reyes.

Baka Bet Mo: Dominic Roque ibinandera ang bagong tirahan: ‘Renting only’

In-upload rin ni Dominic ang larawan nila ni Kathryn Bernardo.

Kaya naman hindi maiwasan ng ilang supporters ni Kath ang magkomento sa kanyang post.

“Gone are the days when Dom could freely and randomly post ng solo pictures ni Kath sa feed nya without these crazy people thinking any other things about it,” saad ng isang netizen.

Dagdag pa niya sa comment niya sa post ni Dominic, “Di nyo ba alam na miss na namin mga pa pictorial ni dom kay kath tapos pino-post nya any time. Sya ang number one source namin ng pics ni kath na outside work kahit noon pa. Mga baliw talaga mga tao ngayon.”

Nag-reply naman ang aktor sa comment ng netizen na mukhang fan at supporter ni Kathryn.

“Kasi iniisipan nila ng kung ano ano.. mga delulu. Mga toxic sa soc med,” sey ni Dominic.

Matatandaang buhat nang kumpirmahing ni Kathryn na single siya ay marami na ang mga male celebrities na ni-link sa kanya.

Maging si Dominic na matagal na niyang kaibigan ay inintriga sa kanya kamakailan.

Binigyan pa nga ng meaning ng mga netizens ang paggi-gym nila together.

Samantala, nilinaw naman ni Dominic na talagang magkaibigan lamang silang dalawa.

Read more...