MAY panawagan ang professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. sa pagsasabi ng “N-word,” ang slang word para sa “nigger” o “nigga.”
Para sa mga hindi aware, ang mga salita na ito ay isang pang-iinsulto sa mga black people, lalo na sa African-Americans.
Hindi talaga ito magandang sabihin sa iba at baka sabihan ka pang “racist.”
Anyway, ang apela ni Bobby Ray ay dahil sa viral video ng American internet star na si IShowSpeed na bumisita sa Pilipinas recently.
Sa Instagram Story, ibinandera ng basketball player ang isang video clip na makikitang nag-angkas si Speed at may mga fans na humahabol sa kanya.
May sigaw ng sigaw ng “nigga” kay Speed at ito ay narinig mismo ng socmed personality kaya pinagalitan niya ito at nag-sorry naman agad sa kanya ‘yung fan.
“To all my fellow Filipinos saying the N-word to act cool, that is just so ignorant, disrespectful and down right embarrassing. Do better!” caption ng basketbolista sa IG post.
“Words could speak life and words could speak death,” wika pa niya kalakip ang hashatg na “Stop RACISM.”
Magugunita noong September 11 nang magkaroon ng surprise visit si Speed sa Pilipinas.
Pagdating niya sa bansa, agad siyang nag-live stream sa YouTube na tumagal ng tatlong oras.
Mapapanood na nakipag-bonding talaga siya sa Pinoy fans na kung saan ay nakipaglaro pa siya ng basketball, bumili sa sari-sari store, nagkaroon ng fan signing, at marami pang iba.
Naging agaw-pansin din kung paano siya pinagkaguluhan ng mga Pinoy kung saan man siya magpunta at ito ay mga nag-trending sa socmed.
Tatlong oras ang itinagal ng kanyang live sa unang araw niya sa Maynila at siya ay nakakuha ng additional 100,000 na mga bagong subscribers sa YouTube channel.
As of this writing, si IShowSpeed ay mayroon nang 29.5 million subscribers sa YT, 24.1 million followers sa Instagram, at 29.5 million followers sa TikTok.