Paulo Avelino sa picture nila ni Kim na same background: Nagkataon lang

Paulo Avelino sa picture nila ni Kim na same background: Nagkataon lang

HINDI nakaligtas sa mga mapagmatiyag at matanglawing netizens ang mga larawan ng Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Napansin kasi ng mga netizens na tila magkapareho ang background ng mga larawan na ibinahagi ng mga ito sa kani-kanilang Instagram accoount.

Bagamat una nang pinost ni Kim ang mga larawan 4 weeks ago ay hindi pa rin naiwasan ng netizens na ungkatin ito matapos mag-post ni Paulo ng larawan kahapon, September 10.

Caption ng Kapamilya actor, “LA”.

Baka Bet Mo: LJ Reyes naka-follow sa IG ni Kim Chiu, ‘boto’ para kay Paulo Avelino?

Kaya naman iniintriga ngayon ng mga fans nina Kim at Paulo na baka raw magkasama ang dalawa na nagpunta sa tourist spot sa Los Angeles, California, USA dahil nga iisa ang background ng kanilang larawan.

Umani nga ng mga samu’t saring komento at pamumulis mula sa KimPau fans ang Instagram post ng Kapamilya actor.

“Mga nag-iisip kung sino ang nagpicture kay Pau:,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ako lang ba dito ang nag iisip kung sino ang photographer ni Pau? Hahahaha!!!! pakitaas ng kamay.. hahahaha! Naiisip niyo ba ang naiisip ko?hahahahaha

“Accident or Coincidence [laughing emoji] iba ka boss Paulo. Pagkakataon talaga!’ sey naman ng isa.

Samantala nag-react naman ang aktor sa kanyang X (dating Twitter) account.

“Grabe naman kayo. Nagkataon lang,” sey ni Paulo.

Pero tila hindi pa rin naniniwala ang ilang fans at talagang super happy sila sa ganap ng kanilang sinusubaybayang love team.

Read more...