Sandro dumalo sa sexual harassment seminar ng GMA; nagkahiyaan sa Q&A

Sandro dumalo sa sexual harassment seminar ng GMA; nagkahiyaan sa Q&A

Sandro Muhlach

Trigger Warning: Mention of sexual harassment 

NAGKAROON ng seminar ang young artists ng GMA Sparkle tungkol sa sexual harassment base sa tsika ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh.

“Heto nga nabalitaan nating nagkaroon ng seminar itong legal department ng GMA 7 para sa maraming bata (ipinakita ang mga bata) na taga-Sparkle na talent agency ng GMA 7.

“Sila’y nagkaroon ng seminar tungkol sa sexual harassment kung sakaling ‘yung nangyari kay Sandro ay mangyari rin sa kanila para alam nila kung ano ang dapat gawin,” pahayag ni Ogie.

Sabi pa, “Okay ‘yang ginawa ng GMA (sabay thumbs up) kung totoo, actually lahat dapat ng networks ay isinasagawa ‘yan para alam ang gagawin sa ganu’ng sitwasyon.

Baka Bet Mo: PBB: Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman

“At ang nakakaloka nito ay dumating si Sandro Muhlach, e, may tanungan and answer portion, nahiya na magtanong ‘yung iba tungkol sa sexual harassment kasi nandoon na si Sandro parang na-awkward na silang magtanong about it.

“Pero para um-attend si Sandro Muhlach di ba, buo ang kanyang loob na ‘yung nangyari sa kanya ay magtulak sa ibang mga kabataan,” kuwento ni Ogie.


May video na ipinakita ang mga talents ng GMA Sparkle at may mga head din ng network na nagsasalita kung ano ang dapat gawin para maiwasan ito.

“Naku magiging sensitive na ngayon ang mga millennials at mga nasa posisyon sa production lalo na minsan ‘yung mga sex jokes, di ba?

“Akala nila joke lang, ‘yun pala may insinuation kaya magiging conscious na ngayon ang mga bata pati na ‘yung nagdyo-joke di ba?” pahayag naman ni Mama Loi.

Matatandaang ilang beses humarap sa Senate hearing si Sandro kung saan idinetalye niya ang ilang eksenang naganap sa panghahalay umano sa kanya ng dalawang independent contractors ng GMA 7.

Nagsampa na siya ng mga kaukulang kaso laban kina Jojo Nones at Richard Cruz sa Department of Justice.

Read more...