Rayver nangako kay Julie Anne: I love you so much, hindi magbabago ‘yun

Rayver nangako kay Julie Anne: I love you so much, hindi magbabago 'yun

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

MAS solid at mas powerful ang pagmamahal ni Rayver Cruz para kay Julie Anne San Jose kesa sa mga fans na kumokontra sa kanilang relasyon.

Nag-react si Julie Anne sa naging pahayag ni Rayver tungkol sa mga supporters ng Kapuso actress na hanggang ngayon ay nagsasalita ng hindi maganda about their relationship.

Sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” sa Asia’s Limitless Star sinabi ni Julie Anne na hanga siya sa kabaitan at pagiging understanding ni Rayver dahil sa kabila ng pangnenega ng mga fans ay nananatili pa rin siyang cool at unbothered.

Baka Bet Mo: Rayver pinayuhang kasuhan ang tumawag sa kanya ng ‘sabog’, ‘lasing’

Sabi ni Julie Anne, “I just find it very, very sweet.” Lagi raw sinisiguro sa kanya ni Rayver na walang epekto sa kanya ang pamba-bash ng ilang fans lalo na ang hindi boto sa kanya.


Paliwanag pa ng dalaga, “Actually wala lang talaga sa kanya ‘yun Tito Boy kasi palagi niya akong nire-reassure na, ‘Kahit na ano pang mangyari, kahit ano pang sabihin ng tao, kahit marami pang may ayaw sa akin o kung ano man ang sabihin nila about me it doesn’t matter kasi you know I love you so much and hindi magbabago ‘yun just because may mga ayaw sa akin.’”

Sa naunang panayam naman ng “Fast Talk With Boy Abunda” kay Rayver ay sinabi nitong pinag-uusapan talaga nila ni Julie ang mga ganitong isyu sa kanilang personal lives.

“Si Julie kapag may mga ganyang bagay o pangyayari na mahirap pag-usapan, imbes na pag-usapan in a negative way, pinag-uusapan namin siya ng positive way,” ayon sa binata.

Samantala, muling magkakasama sina Julie Anne at Rayver bilang host ng reality singing competition na “The Clash” na mapapanood na sa GMA simula sa September 14.

Read more...