Jackie Forster bet si Kyline para kay Kobe: Sky is the limit for you 2!

Jackie Forster bet si Kyline para kay Kobe: Sky is the limit for you 2!

Kobe Paras, Kyline Alcantara at Jackie Forster

MUKHANG botong-boto naman ang nanay ni Kobe Paras na si Jackie Forster sa rumored girlfriend ng kanyang anak na si Kyline Alcantara.

Base sa palitan ng mensahe sa social media nina Jackie at Kyline, mapi-feel mo na tanggap at suportado niya ang kung anumang espesyal na namamagitan sa aktres at sa anak niyang basketball player.

Sa kanyang Instagram page, nag-share si Jackie ng short Reel kung saan makikita  sina Kobe at Kyline na kuha sa nirampahan nilang fashion show sa New York Fashion Week recently.

Baka Bet Mo: Jackie Forster umalma sa post ng media website na ‘pasaway’ si Kobe Paras

Ang caption ng dating aktres, “We are so ready for it! Kobe walking at #NYFW for @milarri_.”

Sa comments section mababasa ang post ni Kyline na tatlong white heart emoji. Sinagot naman ito ni Jackie ng, “Sky is the limit for you two! (3 white heart emojis).”

Nagkomento rin si Kobe sa kanyang IG post na, “ILOVE YOU SO MUCH MAMA.”


Ang reply naman ni Jackie sa message ng anak ay, “I love you more! See!?? It only took me 2 days to make the video e.

“So proud of you two keep pushing pass your comfort zone my beautiful talented boy! Anything is possible,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Gabby botong-boto sa dyowang bank manager ni KC, pero aprub din kaya Mega?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang inaamin ni Kyline na boyfriend na niya si Kobe ngunit naniniwala ang madlang pipol na matagal na silang magdyowa.

Sabi ni Kyline sa isang panayam, “I feel like it’s my right to not answer or to answer questions… to deny nor confirm anything.”

“I don’t need to explain myself din naman po to other people. Whatever they see is that’s what they’re gonna get.

Sabi niya, “As long as alam ng pamilya ko at yung mga close kong mga kaibigan, my loved ones, what’s really happening behind cameras.

“I feel like I don’t owe the public any explanation naman po,” mariing sabi ni Kyline na napapanood ngayon sa GMA Afternoon Prime series na “Shining Inheritance.”

Read more...