Ariella Arida ninakawan ng korona sa Miss Universe | Bandera

Ariella Arida ninakawan ng korona sa Miss Universe

Ambet Nabus - November 12, 2013 - 03:00 AM

ARIELLA ARIDA  INQUIRER

KAHIT hindi nasungkit ni Ariella Arida ang titulo para sa Miss Universe 2013, lahat ay nagkakaisa pa rin sa pagsasabing ginawa nito ang lahat para manalo (nasungkit ang 3rd runner-up title).

In fact, naniniwala ang mga Pinoy na “ninakawan” ng korona ang ating Miss Philippines dahil mas deserving nga raw itong magwagi.

Pero para sa amin marami na ring pinasaya ang pagkakapanalo ni Ariella at kahit paano ay nabigyan niya ng ngiti ang mga Pinoy lalo na yung patuloy pa ring hinahamon ng mga pagsubok sanhi ng trahedyang iniwan ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Tunay namang nakapanghihilakbot at nakapanlulumo ang mga balita at larawan na narinig at nakita ng buong mundo sanhi ng sinasabing “one of the worst storms ever recorded.”

Kahit napuyat kami sa panonood ng live telecast ng Miss Universe noong Linggo ng madaling araw (sa gitna ng aming lagnat), na-feel naming nagkaisang muli ang Pilipinas sa pagsuporta at pagdarasal kay Ariella.

Tunay namang gising na gising ang social media gaya ng Facebook, Twitter at Instagram lalo na sa mga gaya naming nagbibigay ng blow-by-blow account ng mga kaganapan sa Russia.

Hindi na namin pinansin kung nakasagot ng tama o maayos sa panlasa ng mga hurado ang limang finalits, basta ang emote lang namin ay makita si Miss Philippines na magiliw at lumalaban para sa mga kababayan niya. Congrats Ariella!

Anyway, let’s wait and see kung pasukin din ni Ariella ang showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending