DISMAYADO si Paolo Contis sa naging desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na bigyan ng X rating ang bago niyan pelikulang “Dear Satan”.
Ito’y kahit pa pinalitan na ng MavX Productions ang titulo ng kanilang movie kasabay ng paglalabas ng open letter sa kanilang Facebook account.
“We want to extend our deepest apologies if the title of our movie has caused any offense or discomfort. It was never our intention to hurt or disrespect anyone’s religious beliefs.
“Our aim has always been to create content that entertains while conveying meaningful messages,” ang nakasaad sa opisyal na pahayag ng MavX.
Baka Bet Mo: Nanay ni Herlene Budol dismayado rin sa resulta ng Bb. Pilipinas 2022: Para po sa akin ang anak ko ang winner
Ayon naman sa talent manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis, good mood pa rin naman daw ang Kapuso actor kahit pa dismayado nga ito sa kinahinatnan ng “Dear Satan.”
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng veteran entertainment columnist ang litrato ni Paolo kalakip ang kanyang pahayag tungkol sa kundisyon ngayon ng aktor.
“Talagang maganda ang mood ni Paolo Contis kahit pa nga disappointed siya sa resulta ng naging reception ng MTRCB sa Dear Santa niya na dating Dear Satan.
“Hindi niya akalain na ang feeling niya na nakagawa siya ng isang magandang film ay magiging controversial,” simulang chika ni Manay Lolit.
Dagdag pa niya, “Akala pa naman niya magiging smooth sailing dahil nga sa concept nito na isang mabait na Satan ang kanyang papel.
Baka Bet Mo: Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin…
“Isang napakahusay na actor ni Paolo Contis kaya sayang nga na hindi nabibigyan ng mga roles sa mga series na madrama.
“Very happy sa Bubble Gum si Paolo pero sana rin mabigyan siya ng mga dramatic roles para maipakita niya ang varied talent niya.
“Sayang naman pero sa isang talent na tulad ni Paolo Contis na very confident sa alam niyang puwede niyang gawin, no problem,” pagbabahagi pa ng talent manager.
Pero naniniwala naman ni Manay Lolit na marami pang gagawing magaganda at makabuluhang proyekto si Paolo.
“Hindi maapektuhan ang kanyang confidence sa mga minor lapses ng iba. Basta para sa kanya, alam niya what he can offer, no problem.
“Hanga nga ako sa pagiging very patient and quiet ni Paolo Contis sa mga nagaganap sa kanyang career. Iyon bang ok lang bahala kayo.
“So far basta happy siya, ok lang. Kaya nga fave siya ni Salve at Gorgy, smile smile lang siya, bongga,” aniya pa.
Nauna nang nagsalita si Paolo tungkol sa isyung ito. Aniya sa panayam ng Inquirer, “Changing the title just means we’re being sensitive to what people are saying. We’d rather do that than not get the film shown. The movie is finished. It’s been fully edited, and it’s beautiful.
“It’s a movie. It’s fiction. Its main concept is the battle between good and evil. It features a child, who is pure at heart, and Satan.
“If you want the clearest depiction of good and evil, who do you think is the best person to show evil other than Satan? That’s just my opinion. Then again, it’s fiction,”
“The title just means we’re being sensitive to what people are saying. We’d rather do that than not get the film shown. The movie is finished. It’s been fully edited, and it’s beautiful,” sey pa ng aktor.
“It’s a movie. It’s fiction. Its main concept is the battle between good and evil. It features a child, who is pure at heart, and Satan. If you want the clearest depiction of good and evil, who do you think is the best person to show evil other than Satan? That’s just my opinion. Then again, it’s fiction,” ang punto pa niya.