Melai, Jason nag-ala Marian at Dingdong sa Preview Ball, netizens tawang-tawa

Melai, Jason nag-ala Marian at Dingdong sa Preview Ball, netizens tawang-tawa

PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

BENTANG-BENTA sa social media ang recent Instagram post ng celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ito ay matapos silang mag ala-Marian Rivera at Dingdong Dantes sa nakaraang Preview Ball video.

Paano ba naman kasi, ginawan nila ng parody ang “Rendezvous” video ng DongYan na ibinandera noong Hulyo para sa dinaluhang GMA Gala 2024.

Super laugh ang mga nakanood, lalo na kapag nakita niyo ‘yung bandang ending kung saan naglagay sila ng kwelang twist.

May eksena pa nga roon na tila magme-make love sana ang mag-asawa, pero biglang itinuro ni Melai sa mister na katabi nila sa kama ang dalawang anak nila na natutulog.

Baka Bet Mo: Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: ‘Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila’

At hindi rin diyan matatapos dahil ipinakita rin na may mga ibang tao na natutulog din sa kanilang kwarto na kung saan ay may mga nakahiga pa sa may sofa at sa sahig.

Sa caption, lubos na pinasalamatan ni Melai ang DongYan dahil nagkaroon daw sila ng inspirasyon.

“#PreviewBall2024 Thank you Mr and Mrs Dingdong and Marian Dantes for the inspiration [emojis] Pre- Halloween Special treat [emojis],” sey sa post.

Makikita rin na ang nagsilbing creative director ng parody video ay mismong sina Melai at Jason.

Sa comment section, maraming fans at kapwa-artista ang napatawa ng celebrity couple at humanga sa kakulitan nila.

“GRABE yung tawa ko hahahahhahahaaha melason forever!!!!” sey ni Bianca Gonzalez.

Komento ni Alexa Ilacad, “WINNER!!!!!!!! thinkin bout meeee [laughing emojis].”

Narito namang ang ilan sa mga nabasa namin mula sa netizens na aliw na aliw:

“[laughing emojis] mas maganda version mo mamshieeeee”

“Hahahahahahhahahahhahaha hoooooo nakakaloka kayoooo [laughing emojis]”

“You really amuse me melai! [laughing emojis]”

“HOOOOOY MOMSHIEEE ANG KALAT!!!! HAHAHAHA laughing emojis]”

“HAHAHAAHAHAHHAAHAHA WINNER TALAGA SA ALIW [laughing emojis].”

Read more...