Pablo buking ni Stell sa The Voice Kids: Game play niya durugin ako!

Pablo buking ni Stell sa The Voice Kids: Game play niya durugin ako!

SB19 Stell at SB19 Pablo

ASAHAN na ang bardagulan ng mga celebrity coach ng “The Voice Kids Philippines” na sina SB19 Pablo, SB19 Stell, Julie Anne San Jose at Billy Crawford.

Tulad ng nangyari sa matagumpay na “The Voice Generations”, talagang  aabangan din ng manonood sa bawat episode ang sagutan at batuhan ng punchline ng mga coach.

Ngayon pa nga lang ay abangers na ang mga A’TIN sa magiging paandar at pasabog ng magkaibigang Stell at Pablo at siyempre ang pagbabardagulan nila sa isa’t isa pati na rin kina Billy at Julie Anne.

Baka Bet Mo: Chito Miranda nilinaw na joke lang ang sinabi tungkol sa SB19 members na sina Stell at Pablo: ‘Heads up lang sa mga sobrang seryoso diyan’

Sa nakaraang presscon pa nga lang ng “The Voice Kids Philippines” nitong nagdaang September 5, ay nagpasampol na sina Stell at Pablo sa magiging dynamics ng kanilang pagko-coach. Talagang nag-asaran na silang nang bonggang-bongga.

“Oo, ganu’n agad, si Stell ‘yan. I-set aside na ‘yan,” hirit ni Pablo.


“Dapat i-set aside. Walang grupo-grupo dito. Unang pasok niya pa lang dito ang una niya raw pong game play ay durugin ako,” birong sagot naman ni Stell.

“Ganito po kami mag-asaran,” sey ni Pablo, na sinagot naman ni Stell ng, “‘Di ‘to biro, totoo ‘to Pablo.”

Si Pablo ang pumalit kay Chito Miranda na naging coach sa “The Voice Generations” kaya natanong siya kung paano siya napapayag ng GMA na maging bahagi ng “TVK”.

Baka Bet Mo: SB19 na-stress nang bongga dahil sa ginawa ng dating management

“Nu’ng first time ko po marinig na inooffer ‘yung pagiging coach sa The Voice Kids nagulat po talaga ako kasi hindi ko siya ini-expect kasi nandito na si Stell.

“Pero for me, parang sobrang interested rin po ako sa kaniya kasi nasa point in life ako na gusto kong ibahagi talaga ‘yung knowledge na natutunan ko, especially sa pagpe-perform with these guys (SB19) for almost seven years na yata po,” sey ni Pablo.

Sa tanong kung ano ang unang ituturo niya sa mga batang sasali sa reality singing competition, “Siyempre bata ‘yung tuturuan namin mahalaga na makita nila na this is a friendly environment kasi pag dating sa mga bata all positive, minsan kailangan mo ng mga criticism here and there.

“Pero sa stage nila, mahalaga na may nagpupush sa kanila. This is a competition. This is a small part of their journey as singers.

“Kailangan mapaintindi sa kanila na kahit nandito sila nagcocompete with each other, ang mahalaga ‘yung mabubuo nila na friendship, ‘yung knowledge na matutunan nila para paglabas nila ng The Voice Kids, mas maenhance nila ‘yung abilities nila,” sabi pa ng SB19 leader.


Samantala, natanong naman si Stell kung may nararamdaman siyang pressure sa pagbabalik niya bilang coach ng “The Voice” lalo pa’t mula sa team niya ang nagwagi sa “The Voice Generations.”

“I don’t feel any pressure po talaga. Mas gusto ko po siya enjoyin. I think it will be challenging for me kasi nga po it’s kids.

“I have experience with kids na kasi meron akong pamangkin, mga pinsan na bata pero kasi ito I’m dealing with their dreams din.

“Parang syempre at their young age, ayoko naman na ako rin ‘yung magiging dahilan para masira ‘yung pangarap na magkasama namin binubuo,” ani Stell.

“Siguro pinatatag ng kaunti ‘yung pagkatao ko when it comes to decision-making, kasi at the end of the day this is a competition pa rin,” aniya pa.

Magsisimula na ang “The Voice Kids Philippines” sa September 15 sa GMA 7 hosted by Dingdong Dantes.

Read more...