Apollo Quiboloy naaresto na, banta ni Sen. Risa: Mananagot ka!

Apollo Quiboloy naaresto na, sey ni Sen. Risa: Mananagot ka!

Apollo Quiboloy

NAARESTO na ang ang pastor na si Apollo Quiboloy ngayong araw, September 8, matapos ang ilang araw na pagtugis sa kanya ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa pamamagitan ng kanyang social media account.

“NAHULI NA PO SI APOLLO QUIBOLOY,” ang pahayag ni Abalos.

Nangyari ang pag-aresto kay Quiboloy ilang linggo matapos pasukin ng mga miyembro ng PNP ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City kung saan pinaniniwalaang nagtatago ang wanted na pastor.

Noong August 24, tinatayang aabot sa 2,000 pulis ang nagtungo sa KOJC compound para i-serve ang arrest warrant laban kay Quiboloy.

Baka Bet Mo: Dominic Roco arestado sa drug buy-bust operation sa Quezon City

Ayon kay PNP Regional Office 11 chief Brig. Gen. Nicolas Torre III hinggil sa pagkakaaresto kay Quiboloy, “It’s a relief. Malaki ang relief. Matutulog muna ako.”

“I was informed by the secretary (Abalos) that Quiboloy has already surrendered. So nahuli na. Hindi ko alam ang details,” pahayag pa ni Torre sa media.

Patuloy ng opisyal, “Ako po ay nagpapasalamat ating kapulisan. Sama-samang tulong sa misyon na ito. I do hope na kapit lang. Marami pa tayong trabaho sa future.”

Sabi naman ni Sen. Risa Hontiveros, na siyang nagsimula ng imbestigasyon sa Senado hinggil sa umano’y illegal activities ni Quiboloy, “Abot kamay na ng mga victim-survivors ang hustisya, salamat sa kanilang paglalakas-loob na magsabi ng katotohanan.

“We commend our law enforcement agencies for their tireless efforts and dedication, despite Quiboloy’s tactics.

Baka Bet Mo: Babala ni Gen. Eleazar kay Jake: Titiyakin kong mananagot ka sa pambabastos mo sa batas…

“Bilang na ang araw ng tulad nilang naghahari-harian, nambabastos sa batas, at nang-aabuso sa kababaihan, kabataan, at kapwa nating Pilipino.

“Abot-kamay na ng mga victim-survivors ang hustisya, salamat sa kanilang paglalakas-loob na magsabi ng katotohanan,” ayon pa sa senadora.

“Mananagot ka, Apollo Quiboloy. You cannot outrun the law. You will not further delay justice,” dagdag pa ni Sen. Hontiveros.

Kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) si Quiboloy ng sexual abuse at qualified human trafficking at iba pang acts of child abuse.

Sinampahan din siya ng kaso sa US Justice Department noong 2021 ng “sex-trafficking” ng mga kababaihan na edad  12 to 25 “to work as personal assistants, or pastorals, who were allegedly required to have sex with him.”

Read more...