RATED X o bawal ipalabas sa mga sinehan.
‘Yan ang huling desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikulang “Dear Satan.”
Ang dahilan, isang pag-atake sa paniniwala ng Katoliko at Kristiyano ang pagkakaroon ng positibong paglalarawan kay Satanas.
Kahit pinalitan na ang titulo ng pelikula sa “Dear Santa,” nauna nang sinabi ng MTRCB chairperson na si Lala Sotto na ito ay may paglabag pa rin sa Presidential Decree (PD) No. 1986 na ipinagbabawal ang kahit na anong contents “that constitute an attack against any race, creed, or religion.”
Baka Bet Mo: MTRCB tiniyak na iimbestigahan ang mga reklamo laban sa ‘lubid joke’ ni Joey de Leon
“The Committee that reviewed the film found that the material depicts Satan as capable of transformation, saying it is a distortion of Catholic and Christian teachings. The review committee said the film’s narrative, which presents the possibility of Satan being redeemed, is deceiving to the eyes of the viewers,” sey ng ahensya.
Paglilinaw pa ng chair, “At the MTRCB, we operate under a Committee system, which thoroughly reviews each movie based on established guidelines in accordance to our charter.”
“May these guidelines serve as a reminder to our filmmakers. While we are fully supportive of our movie and television industry, the MTRCB is mandated by PD 1986 to uphold and promote respect for Filipino cultural values,” dagdag pa niya.
Kasunod niyan, inamin din ni Lala na bilang isang Christian, siya ay na-offend sa kwento nito, lalo na’t ginawang mabuti ang kalaban ng Diyos.
As of this writing, wala pang komento ang Mavx Productions, ang production company na gumawa ng pelikula, patungkol sa naging desisyon ng MTRCB.