MUNTIKAN nang makapanloko ang scammer na ginamit ang pagkakakilanlan ng batikang aktor na si Ariel Rivera.
Sa Instagram, ibinandera ni Ariel ang screenshot ng isang Facebook account na kapareho ng kanyang pangalan at pictures.
Ang paglilinaw niya sa madlang pipol, “Hindi po ako ito. I DO NOT have a Facebook account!”
Kwento ng aktor, ginagamit ng modus ang pekeng FB page upang makahingi ng pera sa ibang tao.
Mensahe pa niya, “Please let them know that they have been exposed.”
Baka Bet Mo: Janice nagpakatotoo lang: I’m thankful si Ariel ang naging asawa ni Gelli
Ayon kay Ariel, maswerte raw na nag-message muna sa kanya ang isang kaibigan mula ibang bansa na hiningan ng pera ng suspek, kaya nalaman niya ang ganitong klase ng panloloko.
“Fortunately for me, they directly messaged a friend of mine from Oslo, Norway, in an effort to get money from them, but my friend immediately informed my wife,” chika niya.
Ani pa ni Ariel, “It’s unfortunate that people, especially mga kakabayan natin will resort to this just to STEAL from fellow kababayans who make an honest living.”
Kung maaalala, last month lamang ay may naibalita na kaming ganitong klaseng modus na kung saan ang biktima ay ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez.
Ibinandera ni Korina sa social media na ginamit din ang kanyang pangalan upang makalikom ng donasyon para sa mga biktima umano ng bagyong Carina.
Ayon kay Korina, ni-report na niya ito sa National Bureau of Investigation (NBI) upang mahuli ang gumagawa ng ganitong klaseng krimen.
Ilan pa sa showbiz personalities na nagbabala laban sa scammers kamakailan lang ay sina Max Collins, Roberta Tamondong, Jolina Magdangal at Antoinette Taus.