TILA gumanti ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose at naglabas rin siya ng resibo na ipinapakita ang pamba-bash umano sa kanya ng pamilyang Yulo, lalo na ng ina ng Olympic champion na si Angelica.
Ito ay ilang oras matapos i-share ng ama ng atleta na si Mark Andrew ang ilang screenshots ng mensahe ng pambabastos ni Chloe laban sa ina ng two-time gold medalist na makikita sa kanilang group chat na may pangalang “Linlangin Mo Ako.”
At bilang sagot ng dyowa ni Carlos, ibinandera na rin niya ang ilang screenshots na ipinapakita ang hateful comments ng pamilya.
Ilan lamang sa napintasan ay ‘yung hubadera photos ng content creator sa ilang Facebook posts.
Makikita rin ang mga pang-aasar ng kapatid ni Carlos kay Chloe na inilarawan pa nila itong isang “independent woman” na nagkukunwaring “unbothered,” pero hindi naman makapag-renta ng lugar para sa sarili at umaasa lamang sa libreng airplane tickets upang makapag-travel.
Baka Bet Mo: Angelica Yulo isinumpa raw si Carlos na gagapang sa lupa, sey ni Chloe
Mababasa rin na nakisali rin ang mga kamag-anak nito na sinasabing hindi deserve ni Carlo ang nakamit na panalo sa Olympics.
“If you’re gonna get mad at me for standing up for myself, stay mad. If you’re gonna get mad at me for breaking generational curse, stay mad. If you’re gonna get mad at me because I reacted to their disrespect and told the truth, stay mad. If you’re gonna get mad at me for standing up for my partner against their toxicity, then stay mad,” caption ni Chloe sa FB post.
Giit niya, “I’m not here to please anyone. I know what I did and didn’t.”
“Feel free to keep believing whatever you see and read online, it doesn’t matter—I know my truth and so does the people around me, most [especially] mahal Carlos,” patuloy pa niya.
Dagdag pa ni Chloe, “The universe has my back. Hence, this would be my last time speaking about this.”
“Again, stay mad and good luck with your PR stunts[or] pakulo. Much love,” aniya pa.
As of this writing, wala pang komento si Carlos patungkol dito at bukas naman ang BANDERA para sa kanyang pahayag.