Mister asar sa sister, bet kunin ang branded clothes ng yumaong hipag

Mister asar sa sister, bet kunin ang branded clothes ng yumaong hipag

NAGLABAS ng saloobin ang isang mister tungkol sa isyu kung saan sangkot ang kanyang kapatid na babae, ina, at yumaong asawa.

Sa kanyang post sa Reddit, ibinahagi niya ang paghirit sa kanya ng kapatid na mahingi ang mga branded na damit ng asawa.

Ayon sa netizen, isang corporate lawyer ang kanyang asawa kaya talagang nag-invest ito sa magagandang damit. Ngunit isang malungkot na balita ang nangyari dahil sumakabilang buhay na ito dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa sakit nitong ovarian cancer.

“The last six months of her life were hell,” pagbabahagi pa niya.

Ang ikinasasama ng loob ng netizen sa kapatid niyang si Sarah ay wala ito para dumamay noong panahong hirap ang kanyang misis at aminado siya na never nagustuhan ng asawa ang kanyang kapatid at maging siya ay hindi malapit rito dahil selfish raw ang kapatid.

Baka Bet Mo: Groom nagtaksil 6 araw bago ikasal; bride itinuloy pa rin ang wedding

At isa pa sa ikinasama ng loob niya ay noong burol ng asawa ay hinihingi na agad nito angmga branded clothes ng asawa na hindi niya pinansin. Ngunit naging makulit ang kaoatid niya at nais pa nitong mamili sa mga naiwang gamit.

Binalewala lang ng netizen ang sinabi ng kapatid dahil abala pa ito sa pagluluksa sa yumaong asawa.

Anim na buwan matapos ang pagpanaw ng asawa ay birthday naman ng kanyang ina. Bagamat present siya sa selebrasyon ay nasa proseso pa rin siya ng pagdadalamhati at ayaw munang makipag-usap sa mga tao.

Gaya niya ay nagpunta rin ang kapatid niya sa selebrasyon ng ina at muli na naman siyang sinabihan tungkol sa mga damit ng kanyang asawa.

Sinabi na nga ng netizen na ang bilin sa kanya ng asawa na i-donate ang kanyang mga damit sa women’s shelter.

Dagdag pa niya, “It will help women in need with their own court cases, court appointments and job interviews.”

Ngunit hindi raw nagustuhan ng kapatod ang kanyang sinabi at sinabihan pang selfish ang kanyang asawa.

“And my sister started going off on how my wife always thought she was better than her, and it’s not fair that the clothes are going to charity and not to family,” kuwento pa ng netizen.

Nagmatigas rin si ProudFormal8139 at sinabung mas gugustuhin pa niyang sunugin ang mga damit kaysa ibigay kay Sarah na siyang ikinaiyak naman ng huli.

Napansin ng kanilang ina ang pangyayari at tinanong na niya ang magkapatid. Nang malaman ang dahilan ng pag-iyak ni Sarah ay pinagsabihan ang netizen ng kanyang ina at sinabihan siyang unawain ang kapatid.

“My mom acts like I had to ruin her birthday by being melodramatic, but I cannot believe their emotional blackmail toward me over the clothes left by my wife that they have no right to,” sey ni ProudFormal8139.

Kaya naman humingi ng payo ang netizen sa social media hinggil sa kanyang naging asal sa kanyang pamilya.

May nagpayo kay ProudFormal8139 na iwasan muna ang kaniyang ina at kapatid.

“I think you might be wise to avoid your mother for a while, and your sister maybe forever. Her character isn’t going to change, and she has no qualms about saying terribly hurtful things if she thinks they further her selfish goals,” pyo ng isang netizen.

Dagdag pa nito, “The world is full of kind, supportive people who will offer you more of what you need than your blood relations.”

Read more...