NANINIBAGO pa rin ang kilalang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa tuwing makatatanggap siya ng mga papuri patungkol sa kanyang physical appearance.
Sa kanyang naging interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, September 5, inamin ng atleta na hindi raw niya alam ang mapi-feel sa tuwing tinatawag siyang gwapo o pogi.
“Medyo marami. ‘Di ako nasanay, Tito Boy. I don’t know how to feel. I don’t even know how to feel. It’s a bit odd,” pagbabahagi ni EJ.
Naikuwento pa nga niya na noong bata siya ay tinanong siya kung bakit siya pangit.
Baka Bet Mo: GF ni Carlos barag na naman, dapat daw tularan dyowa ni EJ Obiena
“May kaklase ako like before. Sabi niya: ‘yong parents mo hindi naman pangit, bakit ang pangit mo?’” lahad ni EJ.
Pagpapatuloy pa niya, “Kaya it’s weird for me. Like, to be honest po.”
Sey naman ni Boy, iba ang appeal ni EJ sa tuwing napapanood siya sa kanyang kompetisyon.
“No, but iba ang appeal, you know. Kapag pinapanood ka namin, aside from representing the country, ang dami-daming naku-cute-an sa ‘yo,” paliwanag ni Boy sa binata.
Samantala, nausisa naman si EJ kung may plano na nga ba itong magpakasal sa kapwa atleta niyang girlfriend na si Caroline Joyeux at kung may naganap na nga bang proposal.
“Wala po,” sagot ng atleta.
“Take it easy. I think we’re still young and we’re figuring things out,” dagdag pa ni EJ.
Bagamat wala pa sa puntong may plano nang mag-settle ay aminado ang Filipino pole vaulter na seryoso ang kanilang relasyon ng German athlete.
“I think we’re very serious naman po. It’s a very serious relationship. She’s really amazing and she’s make me want to be a better person,” sabi pa ni EJ.
Apat na tao na rin silang magkarelasyon simula nang mag-meet sila sa isang training camp sa Italy noong 2020.