ISANG maybahay at isang dating security guard ang maswerteng nanalo ng bahay at lupa dahil sa pagtutok nila sa ALLTV.
Pinangunahan ni Congresswoman Camille Villar ang ceremonial turn-over ng mga susi sa dalawang winners ng house and lot mula Vistaland para sa “Panalo sa ALLTV” promo. Ang mga lucky winner ay sina Monica Labausa at Benedict Esmenio.
“Thank you po kay Congresswoman Camille Villar. Sakto po kasi matagal na kami nagbabayad (ng rent),” ayon kay Benedict Esmenio, dating security guard.
Baka Bet Mo: Ice, Moira, KHIMO, Maki bakbakan sa Philpop Himig Handog 2024
Si Esmenio ay kaka-resign lang sa trabaho nitong Mayo para maghanap ng ibang mapapasukan.
“Tuwing umaga po, nakasubaybay na ako sa mga nanalo e. Sakto po kasi wala po akong trabaho, kaya iyon po naging libangan ko sa bahay,” sabi Esmenio, na taga-Las Piñas.
Si Esmenio at kanyang pamilya ay mangiyak-ngiyak nang malaman na siya ang nabunot sa raffle.
Kasama ang kanyang tatlong anak, nagpasalamat ang Esmonio family sa AllTV at Rep. Villar sa kanyang pagkapanalo.
Hindi rin matawaran ang saya ni Monica Labausa, isang housewife at may anak na apat na taong gulang, mula sa Muntinlupa.
Baka Bet Mo: MJ Lastimosa ‘inimbyerna’ si MGI founder Nawat Itsaragrisil: Don’t come to Miss Grand anymore
Sobrang saya ni Labausa matapos rin malaman na nanalo siya ng bahay at lupa.
Nanood lang si Labausa araw-araw ng “Showtime” sa ALLTV nang malaman niya ang promo at nagpasyang sumali, “Masaya po. Nakikitira po kami ngayon sa aking in-laws,” ayon kay Labausa, na may asawang call center agent.
Maliban sa bahay at lupa, may chance na manalo rin ang 20 televiewers ng ALLTV na mabubunot para sa daily raffle ng tig-P500.
* * *
“Namumula” ang titulo ng bagong kanta ni Maki na alay niya para sa mga taong mahilig sa red flag pagdating sa pag-ibig.
Una itong napakinggan noong Agosto 30 at umani agad ng mahigit isang million streams sa streaming platforms sa loob ng apat na araw.
Kasabay rin nilabas ng kanta ang music video nito na nasa ikalimang pwesto sa kasalukuyan sa “Trending for music” sa YouTube at meron nang higit sa 500,000 views. Tampok dito ang “It’s Showtime Online U” host na si Jannah Chua bilang love interest ni Maki.
Tungkol ang “Namumula” sa damdamin ng isang tao na nagpapadala pa rin sa emosyon sa kabila ng red flags o mga babala na nararamdaman niya. Sinundan nito ang hit single ni Maki na “Dilaw.”
Nanguna agad ang “Namumula” sa New Music Friday playlist ng Spotify kung saan tampok din ang Tarsier Records artist na si Maki sa cover. Na-feature din ang kanta sa OPM Rising at Radar PH playlist kung saan naging cover din siya.
Samantala, nakatakda naman niyang pangunahan ang sold-out “Maki-Concert” sa New Frontier Theater sa Nobyembre 29 at 30.
Napapakinggan na ang “Namumula” single ni Maki sa iba’t ibang streaming platfoms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.