Jasmine Curtis nagbabala: ‘Wag tayo magpadala sa fake news

Jasmine Curtis nagbabala: 'Wag tayo magpadala sa fake news

DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith ang mga chikang kumakalat na third party raw siya sa paghihiwalay ng kanyang ateng si Anne Curtis sa asawa nitong si Erwan Heussaff.

Mukhang pinupuno ng isyu ang magkapatid ngayon dahil bukod sa walang katotohanan ang chikang hiwalay na si Anne at si Erwan, wala ring katotohanan na may something sa kanila ng food content creator.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ni Jasmine ang larawan nilang magkakasama ng inang si Carmen, kapatid na si Anne, at pamangkin na si Dahlia kalakip ang kanyang pahayag ukol sa isyu.

“Hi everyone and happy weekend,” panimula ng aktres.

Baka Bet Mo: Jasmine Curtis sa KathNiel, BeaDom breakup: OMG! Wala ako diyan! Pass!

Pagpapatuloy ni Jasmine, “Ayoko na sana i-address to dahil alam ko naman my sister’s and my supporters are wiser, but wag tayo magpadala sa fake news here on FB or TikTok.”

Aniya, masaya silang mag-anak na nagba-bonding sa Australia.

“We are peacefully bonding and enjoying each other’s company in Australia at the moment.  love love love!” hirit pa ni Jasmine.

Bukod pa rito, idinaan na lang rin niya ang sagot patungkol sa kanyang teleseryeng “Asawa ng Asawa Ko”.

Hirit pa ni Jasmine, “gurl gulong gulo na me kay Shaira, Jordan at Leon. Dadagdag pa talaga to don’t me plz busy ako hahahaha.”

May isang netizen naman na nagpaabot ng concern patungkol nga sa fake news na hiwalayang Anne at Erwan.

“Super fake,” sabi pa ni Jasmine.

Chika pa niya “OTP” niya ang mag-asawang Anne at Erwan.

Matatandaang taong 2017 nang ikasal sina Anne at Erwan.

2020 naman nang ipanganak ng ate ni Jasmine ang panganay nila ni Erwan na si Dahlia.

Read more...