Hiwalayang Anne-Erwan pinagpiyestahan ng mga Marites, pero fake news!

Hiwalayang Anne-Erwan pinagpiyestahan, pero fake news!

Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama ang anak na si Dahlia

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga Marites ang chikang hiwalay na raw ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Nagsimula ang tsismis na break na raw ang celebrity couple nang mapansin ng netizens na hindi na suot ni Erwan ang kanyang wedding ring.

Sa isa kasing Instagram video na ipinost ng mister ni Anne nitong nagdaang Lunes ay may nagkomento kung bakit hindi na nito suot ang wedding ring nila ni Anne.

Baka Bet Mo: Anne napaiyak sa ‘Showtime’ dahil kay Erwan, sey ni Vice: Niloloko-loko ko lang ‘to, pero ang hirap kaya ng ginagawa niya

“He is no longer wearing the wedding ring,” sey ng netizen kasunod ang crying face emoji.


Sinagot naman agad ito ni Erwan at sinabing huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasa o napapanood sa social media lalo na ang mga unverified information mula sa mga random accounts.

Reply ni Erwan sa intrigerang netizen, (Laughing out loud). You shouldn’t believe news from random accounts on Facebook.”

Baka Bet Mo: ‘Cheesy workout’ nina Matteo at Erwan pinagtsismisan; hiwalayang Max-Pancho fake news

Nauna rito, marami ring IG users ang nagpo-post sa comments section ng mga post ni Anne at nagtatanong kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanila ni Erwan at kung totoo bang hiwalay na sila.


Nasa Australia ngayon si Anne pero mukhang para sa mga Marites ang ipinost niyang litrato sa IG kung saan kasama niya ang asawa at ang anak nilang si Dahlia.

Aniya sa caption, “(Two) words for a (two-month) dump—time management. You were extremely hectic and very amusing.”

Nagpakasal sina Anne at Erwan sa New Zealand noong 2017 matapos ang anim na taong pagde-date. Pagsapit ng 2020, isinilang naman ang kanilang panganay na si Dahlia sa Australia.

Read more...