#BabyPaMore: Iya Villania buntis sa ika-5 anak nila ni Drew Arellano!

#BabyPaMore: Iya Villania buntis sa ika-5 anak nila ni Drew Arellano!

Iya Villania at Drew Arellano kasama ang 4 na anak na sina Primo, Leon, Alana, at Astro

CONFIRMED! Buntis uli ang Kapuso actress at TV host na si Iya Villania sa ika-5 baby nila ng asawang si Drew Arellano.

Masaya at excited na ibinandera ng celebrity couple sa buong universe na madadagdagan na naman ng bagong member ang kanilang lumalaking pamilya.

Sa kani-kanilang respective Instagram account, ibinahagi nina Iya at Drew ang good news kalakip ang kanilang cute na cute na family photo at maikling video.

Baka Bet Mo: Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano

Mapapanood sa kanilang IG post ang paghataw nila sa kantang “Mambo No. 5” ni Lou Bega.

Isa-isang umapir ang mga anak nina Iya at Drew sa frame ng camera na sina Primo, Leon, Alana, at Astro, according to their birthdays.


At nang dumako na ang kantang sinasabayan nila sa “number five” ay bumalandra na nga ang litrato ng  ultrasound ng kanilang ikalimang anak.

Tanging waving hand emoji lamang ang inilagay ng mag-asawa sa kanilang caption.

Bumuhos naman sa comments section ng kanilang IG post ang mga congratulatory message mula sa kanilang followers at mga kaibigan in and out of showbiz.

Ilan sa mga celebrities na unang bumati kina Iya at Drew ay sina Jericho Rosales, Rica Peralejo, Bianca Gonzalez, Iza Calzado, Ryan Agoncillo, Camille Prats, Saab Magalona, Chariz Solomon at marami pang iba.

Ikinasal sina Iya at Drew noong 2014.

Read more...