NAARESTO na ang na-dismiss na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa Indonesia, makalipas ang ilang araw na manhunt operation ng mga otoridad.
Kinumpirma ito ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw, August 4, 2024.
Base sa inilabas na official statement ng DOJ, nakorner si Guo sa isang lugar sa Tangerang City, Jakarta sa Indonesia.
Ayon sa impormasyon na nanggaling kay Senior Superintendent Audie Latuheru ng the Indonesian Police, naaresto si Guo kaninang madaling-araw September 4, 01:30 a.m..
Baka Bet Mo: Kapatid ni Alice Guo na si Sheila nakakulong na sa Senado
“This development has been verified by our counterparts in Immigration, who have confirmed that Ms. Guo is currently in the custody of the Indonesian Police at Jatanras Mabes Polri,” ang sabi sa ipinalabas na official statement.
Sa panayam naman kay NBI Director Jaime Santiago sa dwPM, kinumpirma rin nito ang pagkahuli kay Guo, “Yun ang report sa amin, it looks like na hawak na ng Indonesian police.”
Inaasahan ang pagbabalik sa bansa ni Guo sa lalong madaling panahon. Dadalhin muna ang dinismis na alkalde sa Bureau of Immigration bago i-turn over sa NBI. Sasampahan muna ng mga kaululang kaso si Guo bago naman dalhin sa Senate.
“Siyempre pa-file-an namin siya ng charges, criminal charges before turning her over to (the) Senate,” ani Santiago hinggil sa mga susunod nilang hakbang matapos maaresto ang dating mayor na itinuturong sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operation sa Bamban.
Ang kapatid ng natanggal na mayor ng Bamban na si Sheila Guo, at ang business associate nitong si Cassandra Li Ong ay nauna nang naaresto ng mga otoridad.