MAGING ang social media influencer na si Saab Magalona ay may pahapyaw na entry sa nagva-viral na “Shiminet” trend ngayon sa social media.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang video habang abala siya sa pagpapa-facial treatment.
“Shiminet ng seven lions, shiminet ng seven lions,” caption ni Saab sa post.
Ilang celebrities na rin ang naglabas ng kani-kanilang entries patungkol sa viral “Shiminet” word.
Baka Bet Mo: Saab Magalona habang nag-aantay sa airport: Sana walang surot
Bukod kay Saab, maging sina Vice Ganda, Bela Padilla, at Jhong Hilario ay napag-usapan na rin ang “shiminet” sa isang segment ng “It’s Showtime”.
Pati nga si Rhian Ramos ay inabot na rin ng pambabatikos ng ilang netizens matapos siyang mag-post ng video na ang tugtog ay “Boom Boom Pow” at “Shiminet” remix na gawa rin ng isang netizen.
Bukod pa sa “shiminet” trend ay tila nagpahaging pa si Saab sa mga sunud-sunod na trending ganap sa Senate hearings.
Mababasa ang text na “Pag di ka na makasunod sa mga ganap sa government hearings” sa kanyang video.
Matapos nito ay ang pag-focus sa nakasulat sa kanyang shirt na “PAGOD NA AKO. PERIODT.”
Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpahayag ng saloobin si Saab hinggil sa mga national issues ng bansa.
Noon pa man ay expressive na ito sa kanyang mga opinyon at pannaw tungkpol sa politika gaya na lang ng pagbatikos niya sa mga hindi magagandang gawi ng administrasyong Duterte.
Maging sa kasalukuyang administrasyon ay nagpapahayag ito ng disgusto sa mga desisyon o panukala lalo na kung sa tingin niya ay hindi ito makakatulong sa mas nakararami.
Para naman sa mga hindi aware, nagmula ang “shiminet” sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte habang kinukwestiyon siya ng mga kongresista ukol sa kanyang naging paggamit sa P125 million confidential funds noong 2022.