Shamcey Supsup muling nakaranas ng baha: Ondoy all over again

Shamcey Supsup muling nakaranas ng baha: Ondoy all over again

MAGING ang former beauty queen na si Shamcey Supsup ay hindi nakatakas sa hagupit ng bagyong Enteng.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi nito ang ginawang pinsala ng baha na dulot ng bagyo sa kanilang tahanan nitong Lunes, September 2.

Makikita sa larawang ibinandera ni Shamcey na pinasok na ng baha ang kanilang tahanan at inabot na rin ang kanilang kagamitan.

“Ondoy all over again. Hope everyone is safe and sound,” saad ng beauty queen.

Baka Bet Mo: Shamcey Supsup hindi nakapunta ng El Salvador, pero mensahe para kay Michelle

Ang binanggit na Ondoy ni Shamcey ay ang bagyong humagupit rin sa Pilipinas noong September 2009.

Matatandaang ang tuluy-tuloy na pag-ulan dahil sa naturang bagyo ang naging sanhi ng isa sa pinakamalalang baha sa Metro Manila at kalakip lugar nito.

Hindi nga lang baha ang nangyari dahil sa Bagyong Enteng bagkus nagkaroon rin ng landslides sa Antipolo.

Base sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes ng umaga, 12 katao ang namartay dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng at halos 62,959 pamilya o 240,000 katao ang naapektuhan ng bagyo.

Read more...