Coney Reyes 50 years na sa showbiz, enjoy pa rin sa trabaho sa edad na 71

Coney Reyes 50 years na sa showbiz, enjoy pa rin sa trabaho sa edad na 71

Coney Reyes, Kyline Alcantara, Kate Valdez, Michael Sager at Paul Salas

ITINUTURING na pinaka-“shining moment” ng award-winning veteran actress na si Coney Reyes ang 50 years na itinagal niya sa entertainment industry.

Yes, limang dekada na ang nanay ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mundo ng showbiz at nagpapasalamat siya dahil hanggang ngayon ay nakakagawa pa sin siya ng mga teleserye.

Kasama ang beteranang aktres at maituturing ding showbiz icon sa pinakabagong afternoon series ng GMA, ang Philippine adaptation ng hit K-drama na “Shining Inheritance” na mapapanood na simula sa September 9.

Baka Bet Mo: Hirit ni Dina nang maghiwalay sila ni Vic: What can you do, virgin ako?!

Pinagbibidahan din ito nina Kyline Alcantara, Kate Valdez, Paul Salas at Michael Sager, mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.


Ayon kay Coney, magandang regalo raw ng GMA ang “Shining Inheritance” para sa pagdiriwang niya ngayong taon ng kanyang 50th year sa entertainment industry.

Sa grand mediacon ng kanilang serye kamakailan ay natanong si Coney kung ano ang maituturing niyang “shining moments” bilang isang aktres.

“Ang hirap, ang dami kasi 50 years eh, sobrang dami. Wala ako talagang ma-point out na specific e.

“But I guess what’s in my heart is that ang pinaka-shining moment ko talaga siguro na hanggang ngayon nandito pa ako,” tugon ng premyadong aktres.

Baka Bet Mo: Rhian miss na miss na agad si Coney Reyes: Lalo na kapag pinagpe-pray niya kami

Patuloy pa niya, “For those who are familiar with what I do, what I have done in my career, I’m just so blessed.


“I feel so grateful that God has allowed me to use what He has given me, what talent He has given me, until now that I’m 71 years old.

“I just feel so grateful, thankful, blessed. Glory to God talaga sa lahat ng ginawa niya sa career ko,” aniya pa.

Samantala, proud na proud si Coney sa bago niyang teleserye sa GMA kung saan gampanan niya ang role bilang si Aurea dela Costa, ang lola nina Kyline Alcantara at Kate Valdez.

Kabilang din sa cast ng serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth. May special participation din dito si Ariel Rivera.

Read more...