Piolo gagawing pelikula ang life story ni Mayor Benjamin Magalong

Piolo gagawing pelikula ang life story ni Mayor Benjamin Magalong

Piolo Pascual, Kyle Echarri, Grae Fernandez at Benjamin Magalong

INTERESADO ang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual na isalin sa pelikula ang makulay at inspiring life story ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Isang retired police official si Magalong na nagsilbi sa Philippine Constabulary at Philippine National Police (PNP) for 38 years at patuloy na naglilingkod bilang alkalde ng Baguio (simula pa noong 2019).

Sa interview ng BANDERA kay Papa P sa intimate mediacon na in-organize ng Dreamscape Entertainment para sa Book 2 ng kanilang hit series na “Pamilya Sagrado“, naikuwento nga niya ang tungkol sa biopic ni Mayor Magalong.

Baka Bet Mo: Arjo at Feelmaking Productions walang nilabag na health protocol; puwede nang bumalik ng Baguio para sa pelikula

Ayon sa award-winning Kapamilya actor, bukod sa kagustuhan niyang gawin ang life story ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ay may nililuto na raw silang bagong proyekto.


“I’m working on a Magalong project. Actually, I’m not supposed to disclose this. So, I spoke with Mayor Magalong and we’re interested to kind of make a movie out of his life.

“So, that’s in the pipeline. But personally, since I grew up during the Marcos time when my mom was working in Malacañang for 19 years, that was my environment growing up, so I’m a Marcos baby.

“I wanna, you know, kind of provide our audience something that they have not seen growing up or for them to know about the person. So, yeah, walang, nothing political, no political agenda whatsoever,” pagbabahagi ni Papa P.

Baka Bet Mo: Andrea tinangkang pormahan nina JK, Darren at Grae; Ion nagbago ang itsura

Samantala, matatawag naman niyang isang “milestone” ang success ng serye niyang “Pamilya Sagrado”. Kahapon, nagbukas na nga ang Book 2 ng programa sa bago nitong timeslot na 9:30 p.m..

“I’ve never been this invested in a show. It’s nice to get to play a character na masasabi kong not just challenging, but a milestone for my career as well,” sabi ni Piolo.

At siyempre, super proud din siya sa dalawa niyang young co-stars sa serye na sina Kyle Echarri at Grae Fernandez na pinupuri rin ng mga manonood dahil sa akting na ipinakikita nila sa mga manonood.


Kinilig naman sina Kyle at Grae sa papuri ng mga manonood sa kanilang mahuhusay na pagganap sa kanilang mga karakter at binansagan na nga silang rising leading men at dramatic actors ng ABS-CBN.

“Nakakaka-pressure but I’m so honored to be called one of the “next in line.” Madaming magagaling na artista sa ABS-CBN kaya para sabihin na isa ako doon, talagang nagpapasalamat ako,” ayon kay Kyle.

Sabi ni Grae na lagi niyang binubuhos ang best niya upang bigyang-buhay ang isang karakter, “I’ve always been concerned with work and the story. I’m just an actor to serve the story of the writer and the story for the audience na may ibibigay tayo na message and entertainment.”

Sa pagbubukas ng bagong yugto ng “Pamilya Sagrado,” sasabog na ang mga rebelasyon at bagong laban dahil malapit nang matuklasan ni Presidente Rafael (Piolo) na anak niya si Moises (Kyle), at iigting lalo ang hidwaan sa pagitan nina Moises at Justin (Grae).

Umaatikabong aksyon din ang dapat abangan sa serye kasama ang special guest director na si Coco Martin.

Abangan ang mga makapigil-hiningang rebelasyon sa “Pamilya Sagrado” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC.

Read more...