Belle Mariano biglang nilapitan ng male fan, security staff natensiyon

Belle Mariano biglang nilapitan ng male fan, security staff natensiyon

MARAMING humanga kay Belle Mariano kung paano niya na-handle ang isang  sitwasyon sa isang event sa Davao City sangkot ang isang lalaking fan.

Napanood namin ang isang video sa social media na kuha sa dinaluhang event ng dalaga sa Davao City kasama ang kanyang ka-loveteam na si Donny Pangilinan.

Makikita sa video ang isang lalaking bigla na lang lumapit kay Belle pagkatapos ng kanyang performance.

Naganap ang insidente nitong nagdaang Sabado, August 31, sa University of Southeastern Philippines Gymnasium para sa Star Magic Shooting Stars Exhibition Game kung saan naglaro nga si Donny Pangilinan.

May bitbit na bouquet of white flowers ang nasabing male fan na gusto nitong ibigay kay Belle.

Bala bet Mo: Donny, Belle excited na sa bagong project together: ‘Vacation’s over!’

Nabahala ang mga security staff na nasa venue nang hindi agad umalis ang naturang lalaki at nanatili sa loob ng basketball court na malapit sa kinatatayuan ni Belle.

Base sa video, sinundan ng ilang security personnel ang male fan nang lapitan nito si Belle bilang SOP sa ganu’ng klase ng event. Bahagyang umatras ang isang marshall nang sabihan siya ng fan na lumayo nang kaunti para makapagpa-picture kay Belle.

In fairness sa ka-loveteam ni Bianca, game na game naman siyang nagpa-selfie sa lalaki at hinayaan pa niya itong hawakan at akbayayan siya sa braso.

Pero nang tumagal na sa loob ng basketball court ang lalaking fan ay nilapitan na siya ng iba pang security staff para sabihang bumalik na ito sa kanyang kinauupuan.

Nakita rin kasi nila na halos magkadikit na ang fan at si Belle. Ngunit tila nagmatigas ang lalaki sabay dampot sa bulaklak na ibinaba niya sa sahig saka ibinigay kay Belle.

Muli nitong sinabihan si Belle na mag-picture sila habang hawak ng dalaga ang bouquet of flowers. Pumayag naman uli si Belle sa request ng fan at hindi alintana sa posible nitong gawin sa kanya.

Kasunod nito, pinalibutan na ng security personnel si Belle at sinabihan na ang fan na bumalik na sa kanyang puwesto. Sumunod naman ang lalaki at umalis na sa gitna ng basketball court.

Ayon sa mga nakapanood ng video, kahanga-hanga ang ipinakitang tapang at pagka-cool ni Belle sa naturang sitwasyon. Pinatunayan daw ng aktres ang pagmamahal niya sa mga fans.

Base sa nabasa naming reaksyon mula sa netizens, may ilang nagsabi na kilala nila ang naturang fan. Mabait at hindi naman daw ito threat, talaga lang daw mahilig itong magpa-picture sa mga celebrities.

May pakiusap pa nga sila na huwag nang i-bash ang fan at intindihin na lamang ang espesyal na kondisyon nito. Narito ang iba pang komento ng netizens.

“Gusto lang nya talaga makapag picture. After nyan okay na po sya.”

“Love you Belle, napakabait mong bata i know uncomfortable ka na pero na handle mong maayos ang situation na hindi mapapahiyta ang bata.”

“Napaka-calm nya very professional. love you belle,” turan ng isang fan.

“Napkaganda n npkaprofessional at npkabait p n Belle nhandle nya ung fans nya pero kinabahan aq ng mapanood ko to.”

Read more...