STAY safe, mga ka-BANDERA dahil magpapaulan sa malaking bahagi ng ating bansa ang Bagyong Enteng, bukod pa sa Southwest Monsoon o Habagat.
Ito ay ayon mismo sa 2 p.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, September 1.
Sinabi ng weather bureau na huli itong namataan 110 kilometers East Northeast ng Catarman, Northern Samar.
Ang taglay nitong lakas na hangin ay 45 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 150 kilometers per hour.
Baka Bet Mo: Andrea durog ang puso sa fur babies na pinabayaan, namatay sa bagyo
Base sa forecast track ng bagyo, ito ay posibleng mag-landfall o tumama sa lupa kaya pinaaalalahanan ang mga kababayan na mag-ingat, lalo na sa maaapektuhan na lugar.
“A landfall and passage over the localities in Bicol Region-Eastern Visayas area is not ruled out within the next 48 hours. Furthermore, this tropical depression may reach tropical storm category by tomorrow,” saad ng PAGASA na nakabandera sa kanilang website.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi sa Luzon, kabilang na ang
Eastern portion of Isabela (Palanan, Dinapigue), the eastern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan), the eastern portion of Camarines Norte (Mercedes, Basud), the eastern portion of Camarines Sur (Presentacion, Garchitorena, Caramoan, Calabanga, Naga City, Pili, Bombon, Magarao, Ocampo, Baao, Nabua, Bula, Balatan, Bato, Milaor, Minalabac, Camaligan, Saglay, Iriga City, Buhi, Tigaon, San Jose, Goa, Siruma, Tinambac, Lagonoy, Canaman, Gainza, San Fernando), Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island.
Mayroon din sa Visayas: Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at ang northeastern portion of Leyte (Babatngon, San Miguel, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo, Barugo).