Henry Omaga-Diaz nag-babu na sa ‘TV Patrol’, maninirahan na sa Canada

Henry Omaga-Diaz nag-babu na sa ‘TV Patrol’, maninirahan na sa Canada

PHOTO: Facebook/Henry Omaga Diaz

TULUYAN nang namaalam ang batikang television anchor na si Henry Omaga-Diaz sa “TV Patrol” makalipas ang mahigit tatlong dekada.

Nakatakda na kasi siyang manirahan sa Canada, kasama ang kanyang pamilya.

Noong Biyernes, August 30, ang huling appearance niya sa programa bilang mainstay anchor kasama sina Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, Gretchen Fulido at Ariel Rojas.

Mensahe sa kanya ni Karen, “Ang Panginoon may plano para sa ating lahat at ang bilib ako sa ‘yo is you take it with such grace.”

“Ang hindi alam ng marami, on and off camera, ang bait-bait mo. Wala kang masamang tinapay sa kahit kanino sa katrabaho mo, napaka-humble mo, Henry, wala kang dalang yabang,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Liza Soberano hinarana ni K-pop star Henry Lau, netizens napa-react: ‘Hindi ka pa ba uuwi?’

Saad naman ni Noli, “Good luck, Henry. Nag-usap na tayo kung ano’ng gagawin mo habang nasa Canada ka. Kung may problema ka, tawagan mo lang ako.”

Nagbigay rin ng farewell message si Henry upang lubos na pasalamatan ang kanyang mga katrabaho, lalo na ang co-anchors.

“Grabe po ang naging suporta ng ating mga kasamahan sa newsroom, hanggang sa pag-edit ng script, sa video…‘Yun ang pinakamagandang feeling eh, ‘yung mga colleagues, nakikita mo mismo ‘yung pagmamahal sa kanila,” sey niya.

Sa isang recorded message, ramdam na excited na ang kanyang misis na si Gigi na makapiling siya abroad.

“Finally, the day has come after a very long wait. You will now be joining me here in Canada,” sambit ni Gigi.

Dagdag niya, “I know it was a tough and difficult decision for you to leave something that you’re most passionate about—the things that you love to do most—and have dedicated your entire career to your Kapamilya. But with God’s blessing, I’m sure you will find ways and opportunities for you to share your stories here.”

“This is home and we are happy and excited for you to be here. See you soon,” ani pa ng misis ng veteran anchor.

Kahit iiwanan na ni Henry ang “TV Patrol,” tiniyak niya na ipagpapatuloy pa rin niya ang pagiging journalist kahit nasa ibang bansa.

“‘Di na ko araw-araw makikita sa [TV] Patrol, pero ‘di aalis ‘yung pagiging mamamahayag…‘Yung gagawin ko doon ay related din sa journalism,” pagbabahagi niya sa Radyo 630 (dating DZMM TeleRadyo).

Bukod sa nasabing programa, siya ay anchor din sa midnight telecast na “Bandila” mula 2006 hanggang 2010. 

Naging host din siya sa “Magandang Gabi… Bayan” from 2001 to 2006, “Hoy Gising!” simula 1997 hanggang 2001, at “XXX: “Exklusibong, Explosibong, Expose” mula 2006 to 2009. 

Read more...