Catriona na-‘trauma’, ninakawan sa London: ‘Passports, belongings gone!’

Catriona na-‘trauma’, ninakawan sa London: ‘Passports, belongings gone!’

PHOTO: Instagram/@catriona_gray

NAKAKALOKA ang nangyari kay Miss Universe 2018 Catriona Gray habang namamasyal sa London!

Paano ba naman kasi, nakuha ng magnanakaw ang lahat ng gamit niya.

Mukhang pauwi na sa Pilipinas ang beauty queen dahil nabanggit niya sa social media na nag-park lang sila saglit bago magpunta ng airport.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinandera mismo ni Catriona ang nakakabahala na nangyari sa kanya.

Makikita sa picture ang isang sasakyan na basag ang salamin sa likuran at diyan kinumpirma ng beauty queen na tinangay ang kanyang mga gamit.

Baka Bet Mo: Catriona inisnab nga ba ang b-day party ni Sam, natuloy ang hiwalayan?

Kahit daw ang kanyang passport ay nakuha ng magnanakaw, ayon kay Catriona.

“Robbed in the middle of London, whilst stopping for lunch on the way to the airport,” bungad na kwento niya.

Aniya pa, “Our passports and belongings – gone.”

Sa huli, sinabi ni Catriona na siya ay na-trauma sa insidente: “Traumatized [single tear emoji].”

Nang tingnan namin ang Instagram posts recently ng Miss Universe 2018, makikita na nagbakasyon siya sa United Kingdom at Scotland, kasama ang kanyang mga magulang.

Read more...