KZ, TJ nagdiriwang ng wedding anniversary, ibinandera ang ‘Palagi’ duet

KZ, TJ nagdiriwang ng wedding anniversary, ibinandera ang ‘Palagi’ duet

PHOTO: Instagram/@tjmusicmonterde

NAGBIGAY ng kilig ang celebrity couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde matapos ilabas ang bago nilang duet ng romantic song na “Palagi.”

Ito ay kasabay rin ng pagdiriwang ng kanilang fourth wedding anniversary.

Para sa mga hindi aware, ang nasabing single ay orihinal na kanta ni TJ at ito ay kasalukuyang trending sa social media, lalo na sa TikTok.

At dahil nagkaroon ng bagong version, ang “Palagi” ng mag-asawa ay umaani na ng one million streams sa Spotify sa loob lamang ng isang araw!

Baka Bet Mo: KZ Tandingan, TJ Monterde hindi pa ready magka-baby; ano-ano nga ba ang natutunan sa buhay mag-asawa?

“1 MILLION, 1 DAY!!! AAAAAHHH! Sobrang overwhelming. Grabe,” caption ni TJ na tila hindi makapaniwala.

Patuloy niya, “Salamat sa pagmamahal— PALAGI [shining emoji] nakailang plays ka?”

Sa hiwalay na post, nagbigay ng sweet message ang mister ni KZ kalakip ang ilang never-before-seen photos. 

Wika niya, “Ikaw noon, ikaw ngayon, ikaw pa rin, ikaw lang — palagi.”

“Happy anniversary, KZ,” saad niya sa IG post.

Ilang celebrities ang nakisaya sa pagdiriwang ng dalawa at kabilang na riyan sina Dominic Roque at Yeng Constantino.

“Dzai and Dong congrats! Proud ako sa inyong dalawa,” sey ni Yeng na shinare sa Instagram Stories ang pagkakaroon ng 1 million streams ng nabanggit na kanta.

Lahad naman ni Dominic sa pag-share rin ng naturang post, “Galing galing nila.”

Taong 2019 nang ma-engage sina KZ at TJ makalipas ang limang taong magdyowa.

Noong 2020 naman nang ikinasal sila sa The Farm sa Batangas sa kasagsagan ng COVID-19 lockdown.

Last year naman nang muli silang ikinasal bilang pagdiriwang ng kanilang ika-3rd wedding anniversary, kasama nila ang kanilang mga magulang at mga malalapit na kaibigan.

Read more...