NAGPUNTA ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Biyernes, August 30.
Ang layunin ng kanyang pagpunta sa tanggapan ay para magsampa ng kasong cyberlibel laban sa tatlong anonymous X (dating Twitter) at Facebook users na nagkakalat ng mga paninira at kasinungalingan sa social media.
Ito ay may kaugnay sa reklamo ni Sandro na sexual harrassment laban sa dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Mahigit 100 posts mula sa iba’t ibang social media pages ang ipinasa niyang ebidensya sa NBI bilang suporta sa pambu-bully sa kanya online dahil sa sensitibong isyung kinasasangkutan.
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach: Binaba po yung pantalon ko tapos…sobrang laswa po!
Ang mga isinumiteng ebidensya ni Sandro ang gagamitin ng Cybercrime division para makilala at mahanap ang mga katauhan na gumagamit ng dummy accounts para siraan at i-bully ang binata.
Magpasahanggang ngayon ay dumaranas pa rin ng depresyon anh aktor kaya hindi na rin napigilan ng kanyang lolo na si Alex Muhlach ang magsalita para depensahan ang apo.
“Sandro has been struggling with significant challenges, such as anxiety, insomnia and loss of appetite. This has taken a toll on his physical and mental well-being.
“We kindly ask everyone to respect Sandro’s privacy during this difficult time. The online harassment and bullying he has been subjected to are only worsening his condition,” pakiusap ng kanyang lolo.
Kinakailangan raw ngayon ng aktor ang suporta para mag-heal sa mga traumatic experiences nito.
“Sandro needs our compassion and support as he works towards recovery. We appreciate your understanding and respect for his journey towards healing,” sey pa nito.