Chie Filomeno sa tanong kung anorexic siya: Tao po ako

Chie Filomeno sa tanong kung anorexic siya: Tao po ako

SINUPALPAL ng Kapamilya star na si Chie Filomeno ang isang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang pangangatawan.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang sexy photo habang nakasuot ng bikini kung saan ibinabandera niya ang kanyang sexy curves.

“Maayong udto, Cebu,” saad ni Chie sa caption na may kalakip pang coconut tree emoji.

Marami ang pumuri sa pagiging hot ng dalaga sa mga larawan ngunit hindi talaga maiiwasan ang ilan na kwestiyunin ang kanyang pangangatawan.

Baka Bet Mo: Laban ni Chie Filomeno: Body shaming needs to stop! Fat or skinny!

“Genuine question, anorexic ba siya?” tanong ng isang netizen kay Chie.

Doretsahang sagot ng aktres, “genuine answer nope. tao po ako.”

Maging ang shared post ng ABS-CBN News ng mga larawan ni Chie mula sa Cebu ay inulan rin ng mga pambabatikos ng ilang netizens.

“Grabe namang ribs yan, kulang nalang bbq sauce eh,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Magpalaman ka nmn ng kaunti Chie kita na ribs ay.”

Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaranas ang dalaga ng pamba-body shame mula sa madlang pipol.

Sa katunayan, noong 2018 ay inulan rin si Chie ng panghuhusga mula sa netizens kaugnay sa kanyang cosmetic enhancement.

Kaya naman muli niyang ibinahagi ang kanyang naging statement noon sa kanyang Instagram post upang paalalahanan ang mga netizens sa hindi magandang resulta ng body shaming sa mental health ng isang tao.

“We live in a society that demands so much from us, you have to be this, you have to be that well in fact you just have to be YOU! You do you!” panimula ni Chie.

Pagpapatuloy niya, “How sad that there are so many cruel people in this amazing universe, and that some girls are bringing each other down when we should be the one lifting each other up.”

Giit pa ni Chie, kahit kailan ay hindi magiging ok ang pangba-body shame sa kahit na sino.

“Body shaming is not okay, it’ll never be okay. Not ever. Body shaming needs to stop! Fat or skinny may it be a woman or a man. It needs to stop. Everyone is beautiful in their own skin don’t let them tell you otherwise.

“Stop talking about fat or skinny women or men like their bodies are a tragedy. Their bodies are beautiful. Every body is beautiful. We are all beautiful! No body is a tragedy. And don’t ever let anyone shame you for being you,” dagdag pa ni Chie.

Read more...