USAP-USAPAN ngayon si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez sa X (dating Twitter) matapos ang kanyang deleted post tungkol sa reklamo sa traffic sa Metro Manila.
Kahapon, August 29, nag-post ang actor-politician sa kanyang Facebook page patungkol sa kanyang pagkakaipit sa traffic sa EDSA.
“2 hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala nasa SM Edsa pa lang ako up to now. Eh QC ang punta ko. 1 or 2 hours pa ba?!” saad ni Richard.
Kasunod nito ay ang kanyang pagmumungkahi na buksan ang bus lanes para sa pribadong mga sasakyan sa tuwing malala ang daloy ng trapiko.
Baka Bet Mo: Richard Gomez pinuna ang itsura, hindi na mala-Adonis ang datingan?
“Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit hindi buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?” dagdag pa ni Richard.
Makalipas ang ilang oras ay binura na niya sa kanyang Facebook page ang naturang post ngunit may mga netizens na naging mabilis sa pag-screenshot ng kanyang reklamo.
Ang naturang deleted post ni Richard ay ipinost sa X na agad umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa madlang people.
“Wow Richard Gomez. Just wow. Eh kung sumakay ka nalang kaya ng bus? Nakakahiya naman sayo na may sariling sasakyan at mas kumportable kesa sa amin na nagsisiksikan makauwi lang ha,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Sakanya na po mismo nanggaling na ilang bus lang gumagamit ng bus lane, e di ibigsabihin kulang ang bus kaya nag sisiksikan ang mga tao/commuters diba? Hahaha laughtrip, he dig a hole of himself…”
“Hello Richard Gomez also known as Cong GOMA, Ba’t kaming commuter pa maga-adjust? What if magpropose kayo ng bill na hindi pahirap sa mga commuters? Pls guys stop voting entitled and out of touch politicians. Take the bus challenge pls for @1richardgomez1,” sey naman ng isa.
Marami pang mga komento na nagsasabing nasa kapangyarihan at pwesto siya para gumawa ng batas na maaaring makatulong hindi lang sa kanya kundi pati sa mga ordinaryong Pilipino na araw-araw nakakaranans ng hirap sa sistema ng transportasyon sa bansa.