Trigger Warning: Mentions of sexual abuse and harassment
HABANG tuloy-tuloy ang laban ni Sandro Muhlach na makuha ang hustisya, patuloy pa rin ang pagbibigay suporta ng kanyang pinsan na si Alyssa Muhlach.
Sa isang interview, inamin ng aktres na nagulat siya sa sinapit ni Sandro at kasabay niyan ay natakot din daw siya para sa kanyang pamilya.
“When I first heard about it, I was really surprised. I messaged my mom first,” sey niya na tinutukoy ang kanyang ina na si Almira Muhlach.
Sambit pa niya, “I really couldn’t believe it because I heard stories [of] things like that happening in the industry. Hindi ko lang akalain na it would be done to someone who’s from my family.”
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach: Binaba po yung pantalon ko tapos…sobrang laswa po!
Walang nabanggit na pangalan si Alyssa, pero sinabi rin niya na malaki ang naging tiwala ng ama ni Sandro sa isa sa mga kinasuhang independent contractor.
“For you to do it to someone na…these are people that my uncle trusted,” wika niya.
Esplika pa niya, “Trinust niya ‘yung isang tao dun. This industry kasi, we felt like it’s a safe space. That’s the reason why we are allowed to enter the industry because we know it’s a safe space.”
“When we found out about it, I was very disappointed and at the same time also scared,” saad niya.
Naikwento rin ng young actress ang laging itinuturo sa kanila –ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa mga katrabaho, hindi lang sa kapwa-artista.
“‘Yung mga Muhlach kasi, importante sa amin nakikisama, so I would tell people na you won’t see us na nakikihalubilo lang sa mga artista. You will see us talk and interact with people from the production, to our bosses, so ‘yung level of trust that you gave to someone like that na you worked with,” paliwanag niya.
Patuloy niya, “Na kilala [pa] ng daddy mo or kilala ng mommy mo so you won’t think that it’s something that could happen in the industry.”
Bandang huli, sinabi ni Alyssa na never nilang ito-tolerate ang iba’t-ibang klase ng pang-aabuso.
“We are really just trying our best to support him and we told him na kung ano man kailangan niya, we’re going to be there for him every step of the way and si Tito Onin as well,” sey niya na tinutukoy ang tiyuhin na si Niño.
Aniya pa, “Our family will never tolerate all forms of abuse. We have always stood our ground in terms of that na hindi kami magto-tolerate ng abuse, assault or anything.”
Magugunitang nagsimula ang sexual abuse umano kay Sandro matapos ang GMA Gala 2024 noong July 20.
Makalipas ang isang buwan, nagsampa na ng kasong rape through sexual assault and several acts of lasciviousness si Sandro laban kina Jojo Nones at Richard Cruz sa Department of Justice (DOJ).
Bukod sa panghahalay, ibinunyag ng aktor na siya ay tinuruan pang gumamit ng ilegal na droga.