Vice humugot sa paulit-ulit na baha sa Pinas: Kitang-kita ko ang pagdurusa!

Vice humugot sa paulit-ulit na baha sa Pinas: Kitang-kita ko ang pagdurusa!

PHOTO: Instagram/@praybeytbenjamin

MATAPOS ang malakas na pag-uulan recently, ibinandera ni Vice Ganda sa TikTok ang isang animated skit na tila pinapatamaan ang ilang pulitiko.

Ang tila apela ng komedyante, imbes mamigay lagi ng relief goods o ayuda ay dapat magkaroon na ng solusyon ang problema sa baha sa maraming lugar.

Sa umpisa ng video, makikita ang ilang clips ng flooding situations sa bansa at kasunod niyan ang animated character ni Vice bilang si “YorMeme.”

Mapapanood na pinagkakaguluhan ng reporters si YorMeme upang tanungin kung ano ang naitulong niya sa kanyang nasasakupan after bumaha sa lugar.

“Hirap na hirap ang mga constituents ko kaya namigay ako ng relief goods—mga hygiene kits at sardinas,” sey niya sa skit.

Baka Bet Mo: Vice naki-ride sa viral ‘laban ng kadiliman at…kasamaan’ ni Roque

Nang tanungin naman siya kung ano ang solusyon niya sa laging pagbaha, ang reply niya: “Kitang-kita ko ang pagdurusa [nila] kaya naman namigay ulit ako ng relief good.”

Ipinunto din sa video kung ano ang plano niya sa Yormeme town, lalo na’t matinding pag-ulan ang sanhi ng paglubog ng kanyang lugar.

Ang sey diyan ni YorMeme, “Of course, of course, of course, hindi ko sila pwedeng pabayaan. Mamimigay ako sa lahat ng constituents ko ng mga relief goods—’yung mga hygiene kits and sardinas.”

Patuloy pa niya, “Solusyon? Alam mo kasi, mahirap ‘yang solusyon.”

“Kaya ang gagawin ko na lang ay mamimigay nang paulit-ulit ng relief goods…‘Pag inisip ko pa kasi ‘yang mga solusyon na ‘yan ay baka hindi na ako makapag-TikTok,” aniya pa.

 

@unkabogableviceganda Make me SWIM, lubog sa WATER! ‘Pag bumabaha, relief ang answer! 🎶 #ViceGanda #YorMEME #fyp ♬ Water – Tyla

Kasunod niyan, iginiit ng animated character na ang kanyang constituents ay “resilient” at nakakapag-move on agad ang mga ito once mabigyan ng ayuda.

Nabanggit din niya na iboboto pa rin siya ng mga ito sa kabila ng pagiging incompetent na masolusyunan ang problema sa baha.

Bago matapos ang TikTok video, may caption si Vice na ang nakalagay: “Natanggap na po namin ang relief goods. Salamat po! ‘Yung solusyon po sa baha, kailan?”

Read more...