DJ Loonyo engaged na sa GF na si Amari: ‘Yes to a lifetime!’

DJ Loonyo engaged na sa GF na si Amari: ‘Yes to a lifetime!’

PHOTO: Facebook/Amari

IKAKASAL na ang dancer-choreographer at TikToker na si Rhemuel Lunio o mas kilala bilang DJ Loonyo.

Nag-propose na kasi siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Faye Protacio o kilala sa palayaw na Amari.

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ng couple sa kani-kanilang social media pages.

Sa Facebook ni Amari, makikita ang ilang nakakakilig na pictures ng nangyaring engagement sa Australia.

Baka Bet Mo: DJ Loonyo ingat na ingat na sa socmed: ‘Yung nakita ng tao dati is careless, irresponsible na Loonyo…

“Yes to a lifetime [holding back tears, white heart emojis] I love you mahal! [ring emoji],” caption ng partner ni DJ Loonyo.

Kalakip niyan ang date kung kailan nag-propose sa kanya ang boyfriend na ngayon ay fiance na niya, “8.28.2024”

Sa comment section, makikitang nag-reply sa kanya ang TikToker at sinabing, “I love you mahal [red heart emoji].”

Kasunod niyan ay shinare din mismo ni DJ Loonyo ang post ng kanyang soon-to-be wife at proud na caption niya, “She said YES [ring, red heart emojis].”

PHOTO: Screengrab from Facebook/DJ Loonyo

Taong 2021 nang ibinunyag ni DJ Loonyo ang nagpapasaya sa kanyang puso at ipinakilala sa publiko si Amari.

Magugunitang bago si Amari, naunang na-link sa sikat na choreographer ang aktres na si Ivana Alawi.

Kung matatandaan, sumikat si DJ Loonyo nang mag-viral sa TikTok ang dance cover niya sa kantang “Fight Song” na inihandog para sa frontliners noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Read more...