MAY ilang grupo na pumipilit sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson na tumakbo sa magaganap na eleksyon sa darating na 2025.
Isang source ang nakapagsabi sa amin na kinukumbinsi siyang kumandidato sa pagkakongresista dahil sigurado na raw ang pagkapanalo niya kapag nagkataon.
Nag-viral ang ginawang pagtulong ni Gerald sa mga na-trap nating kababayan sa bubong ng kanilang mga bahay noong kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila dulot ng bagyong Carina at ng habagat.
Bago pa ito, aktibo rin ang Kapamilya star sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan bilang bahagi na rin ng reserved force ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa announcement ng comeback series ni Gerald sa ABS-CBN under JRB Creative Productions, ang “Nobody” ay natanong ang binata kung may plano ba siyang sumabak sa mundo ng politika base na rin sa mga comments ng netizens sa social media.
Baka Bet Mo: Gerald sigurado nang si Julia ang pakakasalan, pero dinenay ang tsismis na marriage proposal
“Nakakatulong naman tayo, e. And I’m so blessed kasi nandito kayo, you know, 19 years na rin ako sa industriya at grabe talaga yung tulong ng media sa akin, sa mga shows ko sa mga projects.
“Okay na ‘ko sa ganito, because I still have the opportunity para makatulong, para sa bayan. And also isa sa mga motivation ko is to work harder to maintain or keep my celebrity status kasi ang laking tulong niya talaga and as much as possible, ginagamit ko sa tama,” ang tugon ni Gerald.
Patuloy pa niya, “Aaminin ko kasi may mga kaibigan din akong mga politiko, may mga nakausap din ako dahil sa ibang projects ko, yung power talaga is there kung gusto mo talagang tumulong at mas impactful.
“Nandoon yung power talaga, nandoon yung opportunities but ang swerte ko lang kasi dahil sa pagiging celebrity ko nandu’n din yung power, yung influence at ginagamit ko lang sa tama.
“Sabi ko nga, kung hindi ako artista, sa tingin n’yo magte-trending yung ginawa ko, hindi, di ba? Kasi maraming gumagawa ng ganu’n.
“Nagkataon na artista ako, napiktyuran, nabidyuhan, but that also inspired so many people. Ganu’n lang yung tinitingnan ko sa influence ko,” dagdag na pahayag pa ng boyfriend ni Julia Barretto.
Samantala, excited na si Gerald sa pagsisimula ng shooting nila para sa bago niyang action-drama series sa ABS-CBN kung saan makakatambal niya ang nagbabalik-showbiz na si Jessy Mendiola.
“This is the best comeback since two years kasi sa 18 o 19 years ko na (sa industriya), siyempre parang ayaw mo na na gumawa ng show na parang nagawa mo na, ‘di ba?
“Sabi ko nga dati noong ginagawa ko ‘yung last show ko kapag tuloy-tuloy ka na nagtatrabaho, feeling mo itong simpleng eksena ay nagawa mo na siya a 100 times na so laging may challenge para bago.
“So ito very unique, kakaiba itong kuwentong ito. That’s going to bring me back sa TV kasi talagang very challenging at ngayon pa lang ay iniisip ko kung paao gawin dahil napaka-challenging but close to my heart kasi nga ‘yung character,” pagmamalaki ng aktor sa kanyang latest project.
Dagdag pa niya, “This story mai-inspire kayo. It’s very different (role niya) because dahil sa sitwasyon niya. Like it said ‘Nobody.’
“I think all of us feel na we’re nobodoy minsan sa mga buhay natin. We have doubts of ourselves, our situations kung kaya ba natin ito. So alam ko na maraming makaka-relate na ito, sa title pa lang,” paglalarawan pa ni Ge sa kanyang karakter sa “Nobody” mula sa direksyon ni Benedict Mique.
Kung wala nang magiging problema, ngayong darating na September.