NAKAKA-PROUD ang latest milestone ng Pinoy pop groups na SB19 AT BINI!
Sila kasi ang kinilalang “Voice of Asia” sa naganap na Billboard K Power 100 event sa Shilla Hotel sa Seoul, South Korea noong August 27.
Bago mag-umpisa ang awarding event, rumampa sa red carpet ang dalawang P-Pop acts, kasama ang ilang sikat na Korean pop artists.
Looking dashing ang “Gento” hitmakers sa suot nilang Ehrran Montoya-crafted suits na gawa sa sustainable materials.
Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’
🇵🇭#SB19atBillboardKPower100#SB19atGENTOsaKorea pic.twitter.com/waKuuU8OoR
— SB19 Official (@SB19Official) August 27, 2024
Habang ang “Pantropiko” singers naman ay blooming sa kanilang outfit na may kulay red, blue, white at black.
#BINI : ‘Cause you know who run the world!🙌🏻🎶💯
Celebrate with us as we proudly receive the ‘Voices of Asia’ award and light up the #BillboardKPower100 stage in Seoul!✨🇰🇷 pic.twitter.com/mRtYTQfweB
— BINI_PH (@BINI_ph) August 27, 2024
Base sa video na ibinandera ng Billboard Philippines, magkahiwalay na umakyat ng stage ang dalawang Pinoy groups upang tanggapin ang kanilang award.
Nagkaroon rin sila ng acceptance speech upang pasalamatan ang lahat ng fans, mahal sa buhay at mga sumusuporta sa kanila.
Ayon kay SB19 Josh, ang award ay handog nila sa buong P-Pop movement.
Nabanggit pa nga nila ang BINI sa talumpati na kasalukuyang gumagawa ng pangalan sa industriya.
“This award belongs not just to us, but to the entire P-pop movement, OPM, and of course, to every Filipino [who] shares their creativity across Asia and the world,” sey ng P-Pop star.
Dagdag pa, “We’d also like to give a shoutout to our fellow Filipino artist who has been here right now: BINI, we are proud of you. We have been making waves right now.”
Hirit naman ng lider ng grupo na si Pablo, “As Voices of Asia, we’re so proud to stand alongside our fellow Asian artists, showcasing the diversity and richness of our cultures through our music.”
“This award represents the P-pop community’s mission to bring Filipino artistry to the global stage, starting right here in Asia,” patuloy niya.
Aniya pa, “Let’s keep working hard to strive for excellence, and let’s create with a heart of service.”
Baka Bet Mo: Sarah G: Na-renew ‘yung fire sa puso ko, ‘yung passion ko as an artist
Unang nagsalita naman sa stage para sa BINI ay si Aiah Arceta, “On behalf of BINI, it’s ultimately an honor and we are so grateful to receive this award. But this award is not only for us but also for the people [who] believe in us and who have been part of our journey.”
Patuloy naman ng lider ng grupo na si Jhoanna, “This award reminds us that anything is possible with hard work and dedication. To our fellow artists, we admire and respect each and every one of you.”
“To our fellow P-pop group, SB19, thank you so much for inspiring us,” wika pa niya.
Bukod sa pagrampa sa red carpet at pagtanggap ng award, ang dalawang P-Pop group ay nag-perform din sa event.
Tinanghal ng SB19 ang hit song nila na “Gento,” habang ang BINI ay nag-perform ng medley na “Cherry on Top” at “Pantropiko.”
Ilan lamang sa present sa star-studded awards night ay ang EXO members na sina Baekhyun, Chen at Xiumin.
Nandoon din ang GOT7 member na si BamBam, pati ang Korean groups na The Boyz, Kep1er, VIVIZ at STAYC