SINAGOT ng aktres na si Bela Padilla ang isang netizen na sinabihan siyang hindi siya bagay na maging regular host ng noontime show na “It’s Showtime.”
Ang rason ng nagkomento, “smarter” at “intelligent” kasi si Bela.
“I saw you on that show with Vice Ganda [and] her gang. I have to say it doesn’t suit you. You come across as a smarter actress and intelligent filmmaker,” wika ng naturang netizen na nag-comment sa isang Instagram post ng aktres.
Patuloy pa nito, “All these nonsense show with their stupid cheap jokes at the expense of their guests is not you. I’m just saying.”
Mukhang pumukaw ito kay Bela at nag-reply siya upang hindi sumang-ayon sa naging pananaw nito.
Baka Bet Mo: Bela Padilla walang awkwardness na naramdaman kay Zanjoe sa ‘366’: I already got passed that stage
“I totally disagree,” panimula ng aktres.
Paliwanag niya, “If one is truly smart, they can adapt to any environment. I always have the best time when I’m on showtime. I genuinely love talking to people and making them laugh and I am self-deprecating enough to be laughed at too so it goes both ways.”
“I’ve been regularly visiting showtime since 2017 and I’m lucky that Vice and ‘her gang’ always make me feel welcome and never oblige me to let go of what l really am, which is a filmmaker,” ani pa ng actress-host.
Magugunitang napapadalas ang appearance ni Bela sa “It’s Showtime” na kung saan dumarami rin ang mga nagre-request na madlang people na gawin na siyang mainstay host.
Bukod kasi sa mahusay na hosting skills, marami ang natutuwa sa kanyang kakulitan sa show, pati na rin ‘yung galing niya sa pagbibigay ng advice sa segment na “EXpecially For You.”
Sa katunayan nga, sila ni Vice Ganda ang madalas na nagbabatuhan sa pagbibigay ng mga payo sa contestants.
Maging ang komedyante ay napahanga sa ipinapakitang performance ni Bela at sa mga insights nito sa buhay.