Pia pinapak ni Jeremy sa loob ng elevator: ‘Get a room!’

Pia pinapak ni Jeremy sa loob ng elevator: 'Get a room!'

NAKAKALOKA ang mga reaksyon ng netizens, pati na ng mga celebrities sa “elevator selfie” ng mag-asawang Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey!

E, kasi nga raw, parang pinapak na ni Jeremy ang kanyang wifey habang sila’y nagkukulitan at naglalandian sa loob ng isang elevator.

Base sa Instagram post ni Pia, ang sinakyan nilang elevator ni Jeremy ay sa The Alpina Gstaad na matatagpuan sa Switzerland.

Makikita sa series of photos na ibinahagi ni 2015 Miss Universe ang pagmi-mirror selfie ni Pia sa loob ng elevator habang tila pinupupog naman siya ni Jeremy ng halik.

“Just keep swiping,” ang maikliling caption ni Pia sa kanyang Instagram post.

Baka Bet Mo: Chelsea aprub kay Pia bilang bagong Miss Universe PH: Deserving winner!

Kilig-kiligan naman ang mga netizens sa sweet moments ng mag-asawa. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa Facebook page ng BANDERA at sa IG ni Pia.

“Maiinggit na naman dyan si Heart Hevanghelista baka ngaragin ang asawang busy sa senado sa maraming hearing otherwise yong aso nya ang ngaragin nya!”

“May kilala ako hindi kaya irub ang face sa asawa. Larooooo.”

“Pia is my patron saint.”

“The biggest flex and the best thing anyone can wear…a genuinely happy life.”

“Let’s protect this couple at all costs.”

“Naku nakaka inggit naman Queen … ang guapo kasi ni hubs .. perfectly matched talaga parehong maganda.”

“Baka Ang ending maging pokwang din tong SI pia. Baka bumili na rin to ng afam. Binubuhay Ang afam.”

“GET A ROOM!”

“Private room din naman ang elevator kpg ngsara na, kailangan lang maging quicky bago makarating sa top floors.”

“Room room pa. Basta may apat na sulok at dingding katalo na yan.”

Read more...